“Ikaw ba si Hydee?”
Kunot-noong napatango
si Hydee sa isang batang lalaking lumapit sa kanya. Tila nagtatanong din ang
kanyang mga mata ng tumingin s’ya rito.
“May nagpapa-bigay
sa’yo nito.” Buhat sa likuran ng bata ay inilabas nito ang kamay na may hawak
na isang pirasong puting rosas at iniabot nito iyon sa kanya.
Isang matamis na
ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Tinanggap n’ya iyon at masuyong inamoy.
“Kanino ‘to
nanggaling?”
“Doon...” matipid
nitong sagot sabay turo sa isang direksiyon.
Sinundan n’ya ng
tingin ang direksiyong itinuro nito. Walang lingon-likod na tinungo n’ya iyon
pagkatapos n’yang magpasalamat sa bata.
Ilang sandali lang at
isang hardin ang kanyang kinahantungan. Harding punong-puno ng mga puting
bulaklak na humahalimuyak sa bango. May mga paru-paro ring nagliliparan sa
paligid na animo’y nagdiriwang sa kanyang pagdating.
Wow! Manghang pinagmasdan
n’ya ang mga ito. Pakiramdam n’ya ay isa s’yang prinsesa nang mga sandaling
iyon. Am I dreaming?
Nasa gano’ng
sitwasyon s’ya nang muling tawagin ang kanyang pansin ng isang musika buhat sa
kanyang likuran. Isang napakagandang tunog ng gitara kasabay ang kaibig-ibig na
tinig ng isang lalaki. Isang awiting pamilyar sa kanya ang inaawit nito. Agad
s’yang napalingon...
Hey,
there’s a look in your eyes... Must be love at first sight. You were just part
of a dream, nothing more so it seemed... But my love couldn’t wait much longer,
just can’t forget the picture of your smile, ‘cause everytime I close my eyes
you come alive...
Isang lalaking
naka-all white ang may hawak na gitara habang papalapit sa kinaroroonan n’ya.
Mga ilang dipa rin ang layo nito sa kanya kaya hindi n’ya masyadong matanaw ang
kabuuan ng mukha nito. Subalit, dinig na dinig n’ya ang malamyos at kay gandang
boses nito. Hindi lang kasi ang kanyang tenga ang nakikinig, kundi pati na rin
ang kanyang puso. Pakiramdam n’ya ay agad s’yang nasibat ni kupido. Kakaibang
gayuma ang hatid ng tinig nito.
The
closer I get to touching you. The closer I get to loving you. Give it time just a little more time, we’ll be
together... Give a little smile that’s special smile, a twinkle in your eye and
a little while. Give it time just a little more time, so we can’t get closer...
you and I...
Oh, God! Pabilis ng
pabilis ang tibok ng kanyang puso habang palapit naman ito nang palapit sa
kanya.
Sobrang excited na s’yang makita ang mukha nito.
Konti na lang. Konting-konti na lang,
Hydee.
Next Chapter

