“Jen!”
Sabay
kaming napalingon ni Martin sa pinagmulan ng boses. Ang co-teacher kong si
Gemma. Nakatayo s’ya sa pintuan.
“Bukas
‘yong gate n’yo, eh, kaya pumasok na ako.” Nakangiting paliwanag n’ya. “Eh,
bukas din itong pinto kaya sumilip na lang ako.”
Natawa
ako. Sinalubong ko s’ya.
“Okay
lang. Tuloy ka.”
“Thanks.
Patunay ba ‘yon na welcome na welcome ang mga bisita n’yo?” natatawang biro ni
Gemma bago s’ya naupo sa sofa.
“Yes.
Mabait kaya ako sa kahit sinong bisita.” Natatawa rin ako. Naupo ako sa tabi
n’ya. “Nakalimutan sigurong isara ni Martin no’ng pumasok s’ya. Galing kasi
s’ya sa labas.”
“Sinong
Martin?”
Hinagilap
ko si Martin. Wala na s’ya sa sala.
“’Yong
lalaking kausap ko kanina. Nakita mo ba ‘yon?”
“Ah,
oo. Pero hindi ko masyadong natingnan ‘yong mukha.” Bahagya pa s’yang lumapit
sa akin para bumulong. “New boyfriend?”
Napangiti
ako. “Hindi. Kaibigan lang,”
“Ows?”
“Merienda,
Ma’am...” inilapag ni Martin ang isang pitsel ng juice sa mesa at dalawang
slice ng pizza. May inilapag din s’yang dalawang bakanteng baso.
“Wow
naman. Thank you.” Tila ba kinikilig si Gemma. Hindi ko alam kung para saan
‘yong kilig n’yang iyon.
Napangiti
ako. Mabait talaga si Martin at magalang. Lahat ng nagiging bisita ko,
pinaghahanda n’ya ng merienda.
“Martin,
si Gemma. Co-teacher ko. Gem, si Martin... kaibigan ko.” Pagpapakilala ko sa
kanilang dalawa sa isa’t-isa.
“Hi
Martin. Kaya pala palaging blooming ‘tong si Jen, eh.” May himig panunukso sa
tinig ni Gemma.
“Gem?”
napakunot-noo ako. Pagkuwa’y napahiya rin ako kay Martin, baka kung ano pang
maging dating sa kanya ng sinabi ni Gemma.
Tumawa
lang si Martin. Pero sinulyapan n’ya ako at saglit tinitigan habang nakatayo
s’ya sa harapan namin ni Gemma. Pinilit ko tuloy mag-iwas ng tingin sa kanya.
“Uhm,
anyway, Gem... uhm, a-ano nga palang sadya mo?" pagkuwa’y iniba ko ang
usapan.
“Ayon...”
uminom muna ng juice si Gemma, “magsu-swimming kami tomorrow. Gusto mo bang
sumama?”
“Saan
naman?”
“Sa
probins’ya nila Lupin. Malapit lang,” co-teacher ko rin ‘yong binanggit n’ya.
“Sama ka na, tutal wala namang pasok bukas tapos holiday naman sa Monday kaya
wala pa ring pasok.”
“Pag-iisipan
ko...” hindi ako mahilig sa mga gimik, outing or galaan. Trip ko kasing
tumambay sa bahay lang kapag walang pasok.
“Ito
naman. Minsan lang ‘to, eh.” Tinapik n’ya pa ako sa braso. “Sama ka na. Sama mo
itong si pogi,” nangingiti pa s’ya ng balingan n’ya si Martin na nakaupo sa
isang sulok habang abala sa pagte-text.
Natawa
na lang ako.
“Sige
na. Sasama na ako.”
“Gusto
mo bang sumama?”
Nilingon
ako ni Martin. Abala s’ya sa pagdidilig ng mga halaman sa munting garden ko sa
likod-bahay.
“Sa
outing n’yo?”
Naglakad
ako papalapit sa kanya.
“Yes.
‘Yong nabanggit ni Gemma kagabi. Narinig mo naman ‘yon, ‘diba?”
“Hindi
ko naman sila kilala, eh. Ikaw na lang, Ma’am...” patuloy s’ya sa pagdidilig.
“’Ando’n
naman ako, eh. Saka mababait naman ‘yon sila. Tingnan mo nga si Gemma, agad
kang nagustuhan.”
“Hindi
ka tumutupad sa pangako mo,”
“Huh?”
Tiningnan
n’ya ako. “Nagpromise ka sa akin no’ng nakaraan, ‘diba? Na sasamahan mo akong
bumili ngayon ng panregalo ko kay Jessica kasi monthsary namin bukas. Tapos sasamahan
mo rin akong ipadala iyon sa province.”
“Oh,
I’m sorry.” Napakagat-labi ako. Oo nga pala, nangako nga pala ako kay Martin.
Nakalimutan ko. “Ganito na lang, bukas na lang ng umaga kita sasamahan, ha?”
“Kahit
‘wag na. Kaya ko namang mag-isa, eh.”
Napangiti
ako. “’Wag ka ng magtampo. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan ‘yon, eh.
Mahaba pa naman ang oras bukas.”
Saglit
s’yang nag-isip. Kapagkuwa’y ngumiti na rin s’ya.
“Gusto
mo talaga akong isama?”
“Oo
nga, para naman hindi ka malungkot dito.” Kinindatan ko pa s’ya. “Then tomorrow
morning, sasamahan kitang bumili ng gift for Jessica, okay?”
“Okay.
Pasalamat ka dahil maganda ka, kundi magtatampo talaga ako sa’yo.” Biro n’ya
habang tumatawa.
Natawa
rin ako. “Bilis na... mag-ready ka na.”
“Okay,
Miss Jen. Tatawagan ko lang si Jessica, magpapaalam lang ako.”
“Okay.”
Next Chapter
No comments:
Post a Comment