“Good
evening.”
Nakaupo
ako sa sala habang nanunuod ng TV ng dumating si Martin.
“Good
evening.” Saglit ko lang s’yang nilingon. Agad ko ring ibinalik ang aking
tingin sa binabasa kong magazine.
“Hindi
ka pumasok, Miss Baltazar?”
“Saturday
po kasi ngayon, Mister Evangelista,”
“Oo
nga pala.”
“Sa
sobrang busy mo kaya hindi mo na nasusundan ang takbo ng araw, ah.” Biro ko.
Muli ko s’yang nilingon. “Oh, what’s that? Nag-grocery ka?”
“Yes.”
Naglakad s’ya patungo sa harapan ko. Naupo s’ya sa center table kung saan
nakapatong ang mga paa ko. Dinampot n’ya ang remote at pinatay ang TV.
“Nanunood
ako, Martin.”
“Nanunood?
Eh, nagbabasa ka ng magazine, eh. Sayang ang kuryente. Tapusin mo muna ‘yang
pagbabasa mo bago ka manuod.”
“Pakialam
mo ba? Eh, hindi naman ikaw ang nagbabayad ng kuryente.”
“Sayang
kaya. Sayang ang pera. Maawa ka naman sa kapatid mong si Ella. S’ya ang
nagbabayad ng kuryente n’yo, ‘diba? Oh, hindi naman n’ya siguro hinihingi lang
‘yong pambayad n’ya.” Seryosong paliwanag nito. “Sabi ko kasi sa’yong ako na
lang ang magbabayad ng kuryente o kaya mag-si-share ako, pero ayaw mo naman.
Palihim akong nagbayad dati, pero nagalit ka tapos ngayon sasabihin mo sa akin
‘yan, na hindi naman ako ang nagbabayad.”
“Hindi
naman ‘yon ang ibig kong ipakahulugan sa sinabi ko. I mean, ‘wag ka ng makialam
sa mga ginagawa ko,”
“Okay.
From now on, hindi na ako makikialam sa’yo.” May himig pagtatampo na naman sa
tinig n’ya. Parang bata talaga, konting bagay lang, magtatampo na kaagad.
“Tampo
ka na naman?” natatawang tanong ko sa kanya. “Ipagtimpla mo na lang ako ng
kape, dali...”
Ngumiti
s’ya sa akin. Isang matamis na ngiti. Ngiting nakapag-papalambot ng puso.
“Sige.
Ipagtitimpla kita.” Agad s’yang tumalima sa inutos ko. “May tinapay akong
binili d’yan, Miss Jen.”
Natatawa
na lang ako habang hinahalungkat ko ang mga pinamili n’ya.
Ilang
sandali pa’y bumalik na s’ya sa sala. Dala na n’ya ang isang tasang mainit na
kape.
Muli
s’yang naupo sa kinauupuan n’ya kanina. “Your hot coffee, Ma’am...” kinindatan
pa n’ya ako ng iabot n’ya sa akin ang tasa.
“Thank
you. Bakit ikaw, wala?”
“Alam
mo namang hindi ako mahilig sa kape, ‘diba?”
“Oo
nga pala. Gatas nga pala ang hilig mo,” pang-aasar ko sa kanya. Napangiti ako,
pero ikinubli ko iyon sa labi ng tasa. Pagkuwa’y humigop ako ng kape.
“Actually,
tama ka. Gatas talaga ang hilig ko,” sinakyan ng loko ang joke ko. “Samahan na
rin natin ng cerelac para mas masarap.”
Muntik
pa akong masamid. Natawa kasi ako dahil sa sinabi n’ya.
“Thanks
nga pala sa roses, ha.”
“Wala
‘yon. Sorry kung masyado akong naging makulit kagabi, Miss Jen,”
“Okay
lang ‘yon.” ibinaba ko ang tasa sa mesa. “kumusta na nga pala kayo ni Jessica?”
Ngumiti
s’ya. “Okay na kami, Miss Jen. Nag-sorry
s’ya sa akin kasi hindi n’ya nasagot ‘yong tawag ko kahapon. Busy daw kasi s’ya
no’ng morning tapos ‘pag-uwi n’ya, nakatulog s’ya agad dahil sa sobrang pagod.”
Nginitian
ko rin s’ya. “Sabi ko sa’yo, eh. Mahal na mahal ka ni Jessica kaya ‘wag ka ng
magtatampo sa kanya ulit, ha. Mas mainam kung uunawain mo na lang s’ya lalo
pa’t magkalayo kayo ngayon. Kelangan ng mahabang pasens’ya.”
“Mahal
na mahal ako ni Jessica?”
“Yes.
Sa tuwing magka-chat kami, ikaw ang madalas n’yang ik’wento sa akin.”
“Talaga?”
rumehistro ang kasiyahan sa kanyang mukha. “Ano naman ang tungkol sa akin na
ikinuk’wento n’ya sa’yo?”
“Sabi
n’ya, isip-bata ka raw...” sagot ko sabay tawa.
Napakunot-noo
s’ya.
“Just
kidding. Although, sinabi nga n’yang isip-bata ka, pero sinabi n’ya rin na
balewala lang daw ‘yon kasi nakakabawi ka naman daw sa lahat ng bagay. Very
sweet ka raw at very responsible sa relationship n’yo.”
“Mahal
na mahal ko kasi s’ya, Miss Jen, kaya ginagawa ko ang lahat para manatili s’ya
sa akin.”
Hindi
ko alam kung bakit tila may kumurot sa aking puso ng mga sandaling iyon.
Nasasaktan ba ako? Pero bakit?
“Bakit
ka pa kasi umalis ng probins’ya? Eh, ‘diba, may work ka naman do’n dati.
Graphic artist ka rin do’n, ‘diba?”
“Actually,
kung ako ang tatanungin, ayaw ko talaga nito. I mean, ayaw kong lumayo kay
Jessica, pero s’ya ang nagdesisyon nito. Madalas kasi akong pinag-iinitan ng
papa n’ya, ayaw ni Mang Mario sa akin, Miss Jen.”
Minsan
ng naik’wento sa akin ni Jessica ang tungkol sa pagtutol ng kanyang ama kay
Martin. Mayaman kasi ang pamilya ni Jessica kaya ang gusto ng papa n’ya para sa
kanya ay katulad din nila ang estado ng pamumuhay. Doon bagsak si Martin.
Mahirap lang kasi ang pamilyang kinabibilangan nito. May dalawa pa itong
nakababatang kapatid at pinag-aaral pa nito ang mga iyon.
“Kaya
magsikap ka, para mapatunayan mo sa papa ni Jessica na karapat-dapat ka para sa
kanyang anak.”
No comments:
Post a Comment