“Gabi
na pala, Martin. Umuwi na tayo.”
Akmang
tatayo na ako mula sa pagkakaupo ng pigilan ako ni Martin. Hinawakan n’ya ako
sa braso.
“Bakit
ba umiiwas ka ‘pag love life mo na ang pinag-uusapan natin, Ma’am?”
Sinulyapan
ko muna ang kamay n’yang nakahawak sa braso ko bago ako muling tumingin sa
mukha n’ya.
“Hindi
ako umiiwas, Martin. Inaantok na kasi ako, eh.” Pag-si-sinungaling ko. Pero ang
totoo, tama s’ya. Umiiwas nga akong mapag-usapan ang tungkol sa love life ko.
Ayaw
ko nang maalala pa ang nakaraan. Ayaw ko nang maalala pa na minsan na akong
nasaktan ng dahil sa pag-ibig.
“Bitiwan
mo ako.”
“Magkuwentuhan
pa tayo. Bibili pa ako ng fish balls at kikiam. Gusto mo pa?”
“Ayoko
na! Please, Martin, gusto ko ng umuwi.” Nagsimula ng uminit ang ulo ko. Sa
lahat, ayaw ko pa naman ng makulit. Ayaw kong pinipilit ako sa isang bagay na
ayaw kong gawin.
Binitiwan
n’ya ang braso ko. Halatang nagulat s’ya sa inasal ko. Alam kong napansin n’ya ang
inis sa tinig ko.
“I’m
sorry, Miss Jen.” Tumayo na s’ya. “Okay. Let’s go home.”
Napabuntong-hininga
ako. Gusto kong humingi ng pasens’ya dahil sa pag-su-sungit ko sa kanya, pero
mas minabuti kong manahimik na lang. Baka kasi kulitin na naman n’ya ako. Much
better na isipin na lang n’ya na naiinis talaga ako.
“Ella,
si Martin?”
“Ayieee...
baka magka-in-love-an kayong dalawa, ha.” Tatawa-tawang biro sa akin ng kapatid
ko.
“Luka-luka!”
“Maaga
s’yang umalis, ate Jen.” Si Jeff ang sumagot sa tanong ko. Bunsong kapatid namin
ito ni Ella. “Pero may iniwan s’ya para sa’yo,”
“Ayieee!”
nag-duet pa ang mga kapatid ko sa panunukso sa akin.
“Huh?
Para kayong mga ewan,”
Nagtungo
ako sa kusina. Tulad ng dapat asahan, may nakahain na namang breakfast sa mesa.
Simula ng tumira sa amin si Martin, bihira na akong makapag-prepare ng almusal.
Mas maaga kasi s’yang gumigising kesa sa akin.
Subalit,
hindi ang breakfast ang pumukaw sa aking atensiyon kundi ang isang bungkos ng
pulang rosas sa ibabaw ng mesa.
“Para
kanino ‘to?” nilingon ko ang dalawa kong kapatid na tila ba kilig na kilig sa
aking likuran.
“Para
sa’yo.” Sagot ni Jeff.
“Jamella,
Jefferson, ‘wag n’yo akong pag-trip-an, ha? Wala akong planong makipaglaro sa
inyong dalawa.” Ugali ng dalawa kong kapatid ang badtrip-in ako lalo na sa
umaga. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa sila pag na-ha-high blood ako dahil
sa galit. Gusto na yata akong mamatay ng mga kapatid ko.
“Para
sa’yo talaga ‘yan, Jen.” Naupo si Ella sa tabi ko. “Binili ‘yan ni Martin
kanina. LQ ata kayong dalawa kagabi, eh.”
“LQ
ka d’yan! Kayong dalawa, tigilan n’yo nga ‘yong panunukso n’yo sa aming dalawa
ni Martin ha. Ayaw kong may makarating na kahit anong hindi magandang balita
kay Jessica.” Seryosong saway ko sa dalawa kong kapatid.
“Eh,
kasi naman ate, sobrang sweet sa’yo ni kuya Martin.” Naupo si Jeff sa tapat ko.
“Kung wala nga lang s’yang girlfriend, iisipin namin ni ate Ella na may gusto
s’ya sa’yo,”
“Tama
si Jeff, Jen. Kapansin-pansin kaya ‘yong pagiging sweet ni Martin sa’yo.
Samantalang sa akin, hindi naman s’ya sweet.” Napa-bungisngis pa si Ella dahil
sa huli n’yang sinabi.
“Aha!
Sabi ko na nga ba, pinagpapantasyahan mo rin si kuya Martin, eh.”
“Hindi
‘no!” mariing tanggi ni Ella, sabay batok kay Jeff.
Nagharutan
ang dalawa kong kapatid sa harapan ko, pero wala akong pakialam sa kanila. Iba
ang laman ng isip ko. Pati pala ang mga kapatid ko, napapansin din nila ang pagiging
sweet sa akin ni Martin.
Actually,
pansin ko na rin ‘yon, pero dini-deadma ko lang. Ayaw ko namang mag-isip ng
kung ano patungkol sa pinapakita ni Martin. Baka sadyang gano’n lang talaga ang
ugali n’ya.
Mabait
s’ya at maalaga. Sobra. Kung umasta nga s’ya, parang girlfriend n’ya ako. Madalas
na s’ya ang naghahanda ng almusal namin ng mga kapatid ko, pinipilit n’ya akong
kumain ‘pag ayaw ko, palagi n’ya akong sinasamahang mag-grocery at higit sa
lahat, palagi s’yang nasa tabi ko para patawanin ako sa tuwing may problema at
nalulungkot ako.
No
wonder kung bakit mahal na mahal s’ya ni Jessica. Kasi kahit naman siguro sino,
mahuhulog talaga sa kanya dahil sa ugaling ipinapakita n’ya. S’ya ‘yong tipo ng
lalaking hindi mahirap mahalin.
Teka lang, ano ba ‘tong iniisip ko?
No comments:
Post a Comment