“Miss
Jen...”
Nagulat
pa ako ng biglang may sumulpot na boses buhat sa aking likuran.
“O
Martin, anong ginagawa mo rito?”
“Naisip
kong sunduin ka.”
“Huh?
Bakit? Kaya ko namang umuwi mag-isa. Sana nagpahinga ka na lang sa bahay.”
“Okay
lang. Hindi naman ako pagod, eh.”
After
two weeks na paghahanap ng trabaho, finally, nakahanap din si Martin. Nakapasok
s’ya bilang graphic artist sa isang private school. Almost six months na rin
s’yang nag-i-stay sa bahay, pero ngayon n’ya lang ako sinundo sa pinapasukan
ko. High school teacher ako sa isang public school.
“May
problema?”
Nagpakawala
s’ya ng malalim na buntong-hininga. Sabay kaming naglakad patungo sa sakayan ng
bus.
Ngumiti
s’ya sa akin, pero ramdam kong pilit iyon dahil nababasa ko sa kanyang mga mata
ang tunay n’yang nararamdaman. Halatang malungkot s’ya.
“Ano
‘yon?”
“Wala.”
“Come
on. Try me, baka makatulong ako.”
“Kain
tayo o kaya pasyal tayo sa park. Gusto mo?”
“Sige
ba. Para doon natin pag-usapan ‘yang in-i-emote mo,” sang-ayon ko sabay tawa.
Natawa
rin s’ya.
Nagkataon
na may malapit na park sa pinagtatrabahuan ko. Doon ko s’ya inaya. Isang sakay
lamang patungo roon, pero mas minabuti naming maglakad na lang, tutal malapit
lang naman.
“Fish
ball at kikiam na lang ang kainin natin, Martin. Miss ko na ‘yong ganon, eh.”
“Sure
ka? Ayaw mo ng rice?”
“Ang
hilig mo sa rice kaya ang tabatsoy mo, eh.” Biro ko sa kanya. Pero actually, hindi
naman talaga s’ya mataba. Tama lang ang kanyang pangangatawan. Maliit lang kasi
ako at payatot kaya ‘di hamak na mas malaki s’ya kumpara sa akin.
Napakunot-noo
s’ya sabay tingin sa sariling katawan.
“Ang
taba ko na ba, Miss Jen?”
“Ayieee...
naconscious s’ya sa katawan n’ya.” Tumawa ako.
“Asus,
atleast ako malaman. Eh ikaw, payatot.” Mas malakas ang ginawa n’yang pagtawa.
“Loko!
Payatot ka d’yan! Sexy kaya ako sabi ng iba, ‘no.” Tinalikuran ko na s’ya.
Patungo ako sa bilihan ng street foods.
“Binobola
ka lang ng nagsabi sa’yo no’n. Naniwala ka naman.” tumatawa pa rin s’ya habang
nakasunod s’ya sa akin.
“Tse!”
“Namiss
ko talaga ‘to,” wika ko sa pagitan ng pagkain ko ng fish balls.
Kasalukuyan
kaming nakaupo ni Martin sa isa sa mga upuang nakapuwesto sa naturang parke.
“Alin
ang namiss mo?” kumakain din s’ya sa tabi ko.
“Itong
fish balls at kikiam,”
Pilyong
ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Ah, akala ko kung ano...”
Napakunot-noo
ako. “Bakit ano bang iniisip mong namiss ko?”
“Akala
ko may magandang memory ka sa park na ‘to kaya namiss mong tumambay dito.”
Nanatili s’yang nakangiti.
“Anong
memory naman ‘yon? Wala ‘no.”
“Siguro,
dito kayo nagde-date ng mahal mo ano?”
“Toinks!”
“Asus,
aminin...”
“Magtigil
ka nga sa panunukso mo. Anyway, ‘diba may problema ka? ‘Yon na lang ang
pag-usapan natin,”
Bumuntong-hininga
s’ya. Nawala ang sigla at ngiti sa kanyang mukha. Natatanglawan kami ng liwanag
na galing sa malaking ilaw na nakakabit sa poste sa mismong tapat namin kaya
kitang-kita ko ang buong mukha niya pati ang expressions nito.
“I’m
sorry. Sige, iba na lang ang pag-usa—”
“Si
Jessica, Miss Jen...”
“What
about her?”
“Lately,
nahihirapan na akong contact-in s’ya. ‘Yong tipong parang binabalewala na n’ya
ako. Dati-rati naman, ‘pag hindi n’ya nasasagot ‘yong mga tawag ko,
nag-re-return call s’ya sa akin... but now, feeling ko, deadma na ako.”
“Ano
ka ba? Feeling mo lang ‘yon. Baka busy lang si Jessica. Alam mo naman na may
business sila, ‘diba? Intindihin mo na lang s’ya,”
“Palagi
ko naman s’yang iniintindi, Miss Jen, eh. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit
ngayon, parang wala na s’yang oras para sa akin? Eh, dati-rati naman kahit busy
s’ya ay nakaka-paglaan pa rin s’ya ng kahit
konting oras para kumustahin ako, para sabihing miss na n’ya ako, para mag-I
love you...”
Wala
akong na-i-react. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung
anong payo ang gagawin ko para kahit papaano’y gumaan ang loob n’ya, para
mawala ‘yong tampo n’ya kay Jessica.
Kasi
katulad n’ya rin ako, ugali ko rin ang magtampo sa taong mahal ko ‘pag
nawawalan ito ng oras para sa akin. Dahil ako, kahit gaano pa ako ka-busy,
gumagawa pa rin ako ng paraan para makahanap ng oras upang ipadama rito kung
gaano ko ito kamahal.
“Miss
Jen?”
“Uhm,
y-yes?”
“Are
you okay?”
“Yes.
I am fine. May iniisip lang ako,”
“Kaya
ka pala natulala. Akala ko pa naman nakikinig ka sa akin. ‘Yon pala, ang layo
ng isip mo...” may himig pagtatampo sa tinig n’ya.
Napangiti
ako.
“Hindi.
I mean, sorry. May naalala lang kasi ako, pero nakikinig naman ako sa’yo, eh.”
“Ikaw
ata ang may problema, eh,”
“Wala
‘no. Sa’n na tayo? Tuloy mo na ‘yong sinasabi mo. Makikinig na talaga ako,”
“’Wag
na nating pag-usapan si Jessica, Miss Jen. Lalo ko lang s’yang mamimiss, eh.”
Ngumiti na s’ya sa akin. “Ikaw na lang ang pag-usapan natin,”
“Ako?”
“’Yong
love life mo.”
No comments:
Post a Comment