Magkakapatid
sina Cindy, Aurora, Belle, Jasmine at Rappy. Lumaki sila sa silong ng isang
tahanang puno ng pagmamahalan. Itinuring silang mga prinsesa ng kanilang mga
magulang. Nasaksihan nila kung paano magmahalan ang mga ito, mag-mula noon
hanggang ngayon ay wala pa ring kupas.
Subalit,
paano kung sila na ang matutong umibig? Maging happy ending din kaya ang
kanilang mga love stories?
UNTIL I FOUND YOU
Bata pa lang si Belle ay may lihim na s'yang pagtingin kay Jacob, kababata at bestfriend ito ng kanyang panganay na kapatid na si Cindy.
Matalino, g'wapo, gentleman at responsable... ito ang mga katangiang nakita ni Belle sa binata.
Labis ang naging kasiyahan n'ya ng makasama n'ya ito sa trabaho. Umasa s'yang baka sakaling mapansin din s'ya nito, subalit nabigo s'ya dahil may iba itong iniibig. Nakababatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya... at ang iniibig nito ay walang iba kundi ang kanyang ate Cindy.
Dahil sa pinaghalong emosyon, sama ng loob at inggit sa kanyang ate kaya mas minabuti n'yang lumayo na lang muna sa kanyang pamilya.



No comments:
Post a Comment