Thursday, October 30, 2014
Tuesday, February 4, 2014
A Short Story - Running Out of Time
Author’s Note:
Alin nga ba ang mas importanteng
ibigay sa mga taong mahalaga sa atin... ang PAGMAMAHAL o ang ORAS? Sabi ng iba,
ang pagmamahal daw. Sabi naman ng iba'y ang oras, kasi ang pagmamahal,
p’wede mo raw ibigay kahit kanino
anytime... subalit ang oras ay minsan mo lang p’wedeng ipagkaloob dahil
kapag ito’y lumipas, hindi mo na ito maibabalik pa.
*****
Kringgg!
Agad akong
napabalikwas nang marinig ko ang tunog nang aking alarm clock. Hudyat iyon na
umaga na naman at kailangan ko na namang simulan ang aking araw.
Diretso ako sa banyo.
Ramdam ko pa ang lamig ng tubig na bumuhos sa aking katawan. Agad akong
nagbihis ng pampasok na damit. Tumunog ang aking cell phone.
“Oh, ‘Ma?” sinagot ko
ang aparato habang nagsusuot ako ng medyas.
“Pumunta ka naman
dito mamaya, anak. Medyo masama k’si ang pakiramdam ko.” Paglalambing ni mama
sa akin. “Dito ka na umuwi mamaya ha? Ipagluluto kita ng paborito mo.”
“Mama, hindi p’wede.
Marami akong kailangang tapusing reports ngayon. Malapit na ang deadline kaya
kailangan kong mag-overtime. Gabi na akong makakauwi, nakakapagod ng magbiyahe
ng malayo, ‘Ma.”
“Bukas na lang, Anak.
Wala ka namang pasok ‘diba?”
“Mama, may mga kailangan
din akong tapusing manuscripts. Ang tagal ng hinihingi sa akin ng editor ‘yon,
baka magalit na ‘yon sa akin at tanggalin ako bilang writer. Saka na lang, ‘Ma,
pag nakakuha ako ng time, okay?”
Dinig ko ang
pagbuntong hininga ni mama sa kabilang linya. Ramdam ko ang pagtatampo n’ya sa
akin. Nasa Manila ang trabaho ko at nasa Cavite naman ang aming bahay. Masyado
akong napapagod sa biyahe kaya naisipan ko na lang mangupahan sa isang
apartment na malapit sa pinagta-trabahuan ko.
Noong unang mga araw,
nagagawa ko pang umuwi sa amin sa Cavite every weekends, pero nang magkaroon
ako ng part time job at maging regular akong writer sa isang publishing
company, hindi ko na nagawang umuwi sa amin. Unti-unti na akong nawalan ng time
sa family ko lalo na sa mama ko.
Akmang palabas na ako
ng bahay ng muling tumunog ang cell phone ko. Si Mabel naman ang tumatawag,
pinsan ko.
“Yes?”
“’Asan ka, Kristel?”
“As usual, palabas na
ng bahay at papasok na sa office. Mamaya ka na tumawag.”
“Masyado kang
nagpapayaman ha.”
“Hindi naman.
Kailangan lang, alam mo na, mahirap ang buhay.”
“Alam ko, pero ‘wag
mo namang abusuhin ‘yang sarili mo. Nasobrahan ka naman sa sipag. Nawalan ka na
nga halos ng oras para sa amin, eh. Lalo na sa mama mo, nagtatampo na ‘yon
sa’yo.”
“Ginagawa ko naman
‘to para sa kanya. Gusto kong magkaroon s’ya ng magandang buhay ‘pag tanda
n’ya,”
“Hindi puro pera ang
kailangan ng mama mo, Kristel. Kailangan n’ya rin ng oras mo. Ikaw din, baka
mamaya magsisi ka, baka kung kelan may oras ka na para sa mama mo saka naman
hindi na p’wede kasi huli na...”
“What do you mean?”
biglang naputol ang linya. Nawala si Mabel. “Mabs? Hello, Mabs? Mabel...”
Tila wala sa sarili
ng maglakad ako patungo sa sakayan ng jeep. Hindi mawala sa isipan ko ang
sinabi ng pinsan ko.
Ikaw
din, baka mamaya magsisi ka, baka kung kelan may oras ka na para sa mama mo
saka naman hindi na p’wede kasi huli na...
Bigla akong tumawid.
Hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan sa daang tatahakin ko.
BLAGGG!
“Naku! ‘Yong babae,
nasagasaan!” sigaw ng isang lalaki.
Nandilim ang aking
paningin. Wala na akong makita.
Kringgg!
Agad akong napabalikwas.
Habol-habol ko ang aking paghinga. Panaginip! Isang masamang panaginip.
Napasandal ako sa headboard ng kama.
Ikaw
din, baka mamaya magsisi ka, baka kung kelan may oras ka na para sa mama mo
saka naman hindi na p’wede kasi huli na...
Nagulat pa ako ng
biglang tumunog ang cell phone ko. Si mama, tumatawag.
“Mama?”
“Miss na kita, Anak.
Uwi ka naman dito mamaya. Ipagluluto kita ng paborito mo.”
Ilang oras din ang
lumipas simula ng makausap ko si mama sa phone. Natagpuan ko na lang ang aking
sarili na sakay na ng tricycle habang tinatahak ang daan patungo sa subdivision
kung saan nakatirik ang aming bahay sa Cavite. Sinabi ko sa boss ko na masama
ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako makakapasok ng araw na iyon. Miss ko na
din si mama at ayaw kong maging huli ang lahat.
Pasado alas-tres na
ng hapon ng tumapat ako sa bahay namin.
“Manong, bayad ho,
o.”
“Mukhang may patay ho
sa bahay n’yo, Ma’am. Nakikiramay ho ako.”
Napalunok ako. Walang
sabi-sabing lumingon ako sa bahay dahil sa tinuran ng tricycle driver. Biglang umihip ang malamig na hangin.
Sinong
patay?
Tila ba wala ako sa aking sarili ng bumaba ako mula sa tricycle. Malaki ang
pagkakabukas ng gate namin na tila ba open sa lahat ng nais pumasok upang
makiramay.
Dahan-dahan akong
pumasok sa loob. Nakita ko ang aking kapatid na si Kristof na nakaupo sa isang
sulok sa gilid ng aming bahay. Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Nilapitan ko s'ya.
“Sinong patay?
A-Anong nangyari?” naiiyak na ako.
Yumuko lamang s’ya at
lumuha. Hindi n’ya ako pinansin.
“Kristof, naman!”
inis kong sabi. Luminga ako. Nakita ko ang bunso kong kapatid na lumabas ng
bahay at naglakad patungo sa gate. Hinabol ko s’ya. “Krisie?”
Hindi n’ya rin ako
pinansin. Bakit? Galit ba sila sa akin?
Tuluyan na akong
naiyak. Sumagi sa isip ko si mama kaya patakbo na akong pumasok sa loob ng
bahay. Maraming tao sa sala. Lahat sila ay nakaupo paharap sa isang kabaong. Laking
kasiyahan ko ng makita ko si mama. Buhay s’ya, kausap n’ya si papa.
Thanks, God. Buhay
ang pamilya ko. Bahagyang naibsan ang kaba sa aking dibdib. Buhay si mama,
buhay rin si papa at ang dalawa kong kapatid... pero teka, kung buhay sila,
sino ang nasa kabaong at pinaglalamayan nila ngayon?
Dahan-dahan akong
naglakad patungo sa kabaong at sumilip dito.
Oh
my God! No!
Halos mapasigaw ako.
Ako ang nasa loob ng
kabaong.
Patay na ako!?
Pa’no nangyari iyon?
Paano akong namatay?
Kaya pala hindi ako
pinansin ng aking mga kapatid. Kaya pala walang pumansin sa aking pagdating.
Paanong...?
“Binangungot s’ya,”
narinig kong turan ni Mabel sa aming kapit-bahay. Nilingon ko silang dalawa.
Malapit sila sa kinatatayuan ko.
“Paanong bangungot?”
“Natagpuan na lang
namin s’ya kaninang umaga na wala ng buhay habang nakahiga sa kanyang kama.
Isu-surprise sana namin s’ya nila tita dahil birthday n’ya bukas.” Napahikbi si
Mabel.
“Kawawa naman si
Kristel. Ang bait n’ya pa naman...”
“Kaya nga halos hindi
matanggap nila tita at tito ‘yong nangyari. Hindi nila matanggap na sa isang
iglap ay agad mamamatay si Kristel.”
Nakagat ko ang aking
pang-ibabang labi. Halos mapasigaw ako. Anong nangyari? Bakit nagkaganito?
Nagtatakbo akong
palabas. Mabilis ang aking mga hakbang hanggang sa mapadpad ako sa isang
simbahan.
Pumasok ako sa loob
at nagtungo ako sa unahang hilera ng mga upuan. Lumuhod ako. Napahagulhol ako.
“Diyos ko, paano po
ito nangyari? Tila hindi ko po ito kayang tanggapin. Nakikiusap po ako, bigyan
n’yo pa po ako ng chance. Hindi ko po alam kung sa paanong paraan, pero
naniniwala po ako na kaya n’yong gumawa ng milagro. P'wede n'yo po bang ibalik ang oras? 'Yong time kung saa'y nabubuhay pa ako... Nangangako po ako, hindi na
po ako magpapaka-busy ng sobra. Maglalaan na po ako ng oras para sa aking
pamilya lalo na kay mama basta po, bigyan n’yo pa po ako ng isa pang
pagkakataon upang mabuhay.”
Umihip ang malakas na
hangin. Napapikit ako.
“Kristel?” Idinilat
ko ang aking mga mata. Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si mama.
“Maraming salamat at
ligtas ka na.” Niyakap ako ng mahigpit ni mama.
“M-Mama?” halos hindi
ako makapaniwalang kausap ko s'ya ngayon. Nakikita na n’ya ako, hindi katulad
kanina.
Diyos ko, salamat po.
Maraming salamat po.
Nagpalinga-linga ako.
Doon ko napagtanto na nasa loob pala ako ng isang silid sa hospital. Nakahiga
ako sa hospital bed. May benda ako sa ulo, naka-dextrose ako. Ramdam ko ang
sakit ng aking katawan.
“Hindi mo ba
naalala?”
“A-Ano pong
nangyari?” naguguluhan ako.
“Nabangga ka ng jeep
habang tumatawid ka kaninang umaga. Buti na lang at agad kang nasaklolohan ng
isang lalaki. Dinala ka n’ya rito sa hospital at ayon, sabi ng doctor, mabuti
na lang daw at hagip lang ang nangyari kaya pilay lang ang inabot mo.
Alalang-alala kami sa’yo, Anak.”
Napapikit ako.
Dumaloy ang luha sa aking pisngi. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang totoong
nangyari. Basta ang alam ko, buhay ako ngayon. Binigyan ako ng Diyos ng isa
pang pagkakataon at kung anuman ang ipinangako ko sa kanya kanina, panaginip ko
man ‘yon or kung ano pa man... muli akong nangangako ako ngayon na tutuparin ko ‘yon.
Muli akong niyakap ni
mama.
“I’m sorry, ‘Ma, kung
nawalan na ako ng oras para sa inyo.”
“Wala ‘yon, Anak.”
“Salamat, ‘Ma, pero I
promise, ibabalik ko na ulit ‘yong bonding natin dati. Hindi na ako masyadong
magpapaka-busy sa trabaho.” Masayang pangako ko.
“Talaga, Anak?
Salamat.”
“Miss ko na po
kayo...”
“Miss ka na rin
namin.”
Bumukas ang pintuan.
“Happy birthday,
pinsan.” Si Mabel ang iniluwa ng pinto. Humalik ito sa pisngi ko.
Natatawa ako. “Bukas
pa kaya.”
“Eh, gusto kong
i-advance, eh.”
Nagkatawanan kami.
Until now, hindi pa rin mawala
sa aking isip ang tungkol sa insidenteng iyon... Ang pagkamatay ko, kung totoo nga ba iyon o panaginip lang... basta ang alam ko, nangyari iyon upang ipa-realize sa akin ang kahalagahan ng ORAS.
The End.
A Short Story - Magdalena II
Author’s Note:
Hi. Naisipan kong isulat ang
kuwentong ito magmula ng marinig ko ang awiting “Magda” ni Gloc-9 featuring Rico
Blanco. Sabi ng officemate ko, pakinggan ko raw ‘yong lyrics ng naturang awitin
kasi maganda... then, ito nga, nakabuo ako ng isang kuwento. Sana maibigan
n’yo.
Marami ang katulad ni
Magdalena sa panahon ngayon. Mga babaeng ginagamit ang katawan or ibinebenta
ang sariling laman upang kumita ng pera.
Ang mga tauhan at pangyayari
sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko lamang. Kung tumutugma man ito sa
inyong personal na buhay, iyon ay hindi ko sinasadya.
*****
Ilang oras ang lumipas. Nasa
loob na kami ng isang night club. Madaming lalaki sa loob. Patay sindi ang malamlam
na ilaw sa munting entablado kung saan sumasayaw ang isang babae. Ewan ko kung
sumasayaw s’ya o gumigiling sa tila poste na nakatayo sa kanyang harapan.
“Hindi ba tayo sumabit d’yan,
Lota?” tanong ng isang matandang babae kay ate Carlota. May edad na ito, pero
nakaayos ito. Kulot ang buhok. Makapal din ang lipstick at make-up. Maiksi rin
ang palda nitong suot katulad ng kay ate Carlota. “Eh, mukhang Nene pa ‘yan,”
“Hindi, tiya Saly. Sagot ko
s’ya.” Sagot ni ate Carlota. Hinaplos n’ya ang mahaba kong buhok. Binulungan
n’ya ako. “Kaya mo ba?”
“Oo, ate.” Nanginginig ang
tinig ko, sanhi ng napipintong pag-iyak.
Ilang sandali pa’y natapos na
ang babae sa kanyang palabas. Bumilis ang tibok ng aking dib-dib. Ako na ang
sasalang. Naluluha kong sinulyapan sina ate Carlota at tiya Saly. Sumenyas pa sa
akin ang huli na hubarin ko na ang suot kong roba.
Sinunod ko iyon. Nanginginig
ang aking mga kamay pati ang aking mga paa habang umaakyat ako sa kanilang
munting entablado. Nagsimula ng tumugtog ang tila ba nakabibinging tunog.
Palakpakan ang mga lalaki.
Tuluyan ko ng nahubad ang
suot kong roba. Tumambad sa kanilang paningin ang aking inosenteng katawan.
Tanging underwear lamang na pang-itaas at pang-ibaba ang aking suot. Nagsimula
na akong gumiling. Sumayaw. Kasabay noon ang pag-agos ng aking luha. Bakit
kailangan ko itong maranasan? Nasaan ang aking ama na ngayon sana’y s’ya ang
gumagawa ng paraan upang kami’y mabuhay at makaahon sa kahirapan? Napaka-walang
puso n’ya!
Tulala ako ng maupo sa aking
harapan si ate Carlota. Nasa loob pa rin kami ng club, pero wala na ang mga
audience. Kaming dalawa na lang.
Niyakap n’ya ako. Iniabot
n’ya sa akin ang perang kinita ko mula sa aking pagpapalabas. Kinita ko sa
pagpapahipo sa mga lalaking hindi ko naman kilala. Napaluha s’ya. Ramdam ko ang
awang nadarama n’ya para sa akin. Pinahid ko ang luhang dumaloy sa aking
pisngi. Ayaw ko ng umiyak. Napagod na ako kagabi at tila ba mauubos na ang
aking mga luha.
Akala ko, ang araw na iyon
ang una at huli kong gagawin ang bagay na iyon, pero nagkamali ako dahil muli
akong nagipit, at paulit-ulit akong nagipit. Hanggang sa dumating ang araw na
nakasanayan ko ng gawin ang bagay na iyon. Noong una’y sumasayaw lang ako,
nakiki-table at nagpapahipo, pero hindi nagtagal, natuto rin akong magpagamit.
One night stand ang tawag nila. Isa na akong pok-pok, babaeng kaladkarin at
nabibilang na ako sa mga babaeng kung tawagin ay “Magdalena”.
“Bakit si Aby?” galit na
tanong ni ate Carlota kay tiya Saly.
“Eh, si Aby ang napili ni
Mister X, kasalanan ko ba ‘yon?” pagta-taray nito.
“Sinabi ko naman ho sa inyo
na ‘wag na ‘wag n’yong isasali si Aby sa mga pagpipilian n’ya. Alam n’yong bago
pa lang at bata pa si Aby. Kilala n’yo naman si Mister X, malupit at sadista
s’ya pag-dating sa kama, baka hindi kayanin ni Aby.”
“’Wag ka ng makialam pa,
Lota. Malaking bulas naman si Aby kaya kayang-kaya na n’ya ‘yan at isa pa,
medyo sanay naman na si Aby, eh.” Giit nito.
Tahimik lang akong nakatayo
habang hinihintay kong tawagin ako ng tinutukoy nilang Mister X. Wala na akong
pakialam kung ano pa man ang sapitin ko sa mga kamay n’ya. Basta ang alam ko’y
kailangan ko ng pera. May sakit si Inay, dulot siguro ng paglalabada n’ya noon.
“Aby, tawag ka na ni Mister
X.” Bulong sa akin ng isa ring kagaya ko.
“Okay.” Sagot ko sabay
buntong-hininga.
“Aby?” tila gusto akong
pigilan ni ate Carlota.
Nginitian ko s’ya. “Okay lang
ako, Ate. Sanay na ako, ‘wag kang mag-alala.”
“Gawin mo lang lahat ng gusto
n’ya para hindi ka masaktan.” Bakas ang pinaghalong kaba at awa sa kanyang
mukha.
Tumango lang ako. Tumalikod
na ako at nagsimulang maglakad patungo sa silid kung saan naroroon ang
tinatawag nilang Mister X. Dumaloy ang luha sa aking pisngi. Pinilit kong
kalmahin ang aking sarili dahil ramdam ko ang kaba kahit ipagpilitan ko sa
sarili kong kaya ko ‘to.
Pinihit ko ang doorknob ng
silid. Pumasok ako rito. Hubot-hubad na isang lalaki ang tumambad sa akin.
Nakatalikod ito at nakaharap sa bintana. May hawak itong baso na tila alak ang
laman.
“Hubarin mo ang lahat ng
saplot mo sa katawan at magsuot ka ng piring. Tapos, dumapa ka sa kama.”
Nakatalikod pa rin s’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim.
Nakita kong may lubid sa ibabaw ng kama, gunting, sigarilyo, posporo. Tuluyan
na akong binalot ng kaba at takot, pero sinunod ko pa rin ang utos n’ya.
Hinubad ko ang aking mga
kasuotan. Dumapa muna ako sa kama bago ako nagsuot ng piring. Ilang sandali
pa’y ramdam ko na ang paglapit n’ya sa likuran ko habang nakadapa pa rin ako.
He kissed me on my back. Dinilaan n’ya ang aking likod paakyat sa king batok. He
kissed my ears, palitan, sabay bulong, tumihaya ka na.
Sinunod ko s’ya. Dahan-dahan
akong tumihaya.
“Shit!” he uttered. Ewan ko
kung bakit.
Sandaling namayani ang katahimikan.
Hindi ko alam kung anong ginagawa n’ya.
“P-Papatayin mo ba ako?
P’wede bang ibigay mo muna kay ate Carlota ‘yong perang ibabayad mo sa akin
bago mo ako patayin? Kelangan kasi ‘yon ng mga kapatid ko, kelangan din ‘yon ng
Inay ko. M-may sakit kasi s’ya...”
“A-Anong pangalan mo?” tila
nanginginig ang tinig n’ya.
Nanatili akong nakapiring
habang nakahiga pa rin sa kama. “Abigail Pineda.”
Muli s’yang napamura.
Naramdaman ko ang pagbalot ng tila kumot sa aking katawan. Naramdaman kong
niyakap n’ya ako. Umiiyak s’ya. Hagulhol.
Dahan-dahan kong inalis ang
aking piring. Anong problema n’ya? Bakit sabi nila’y malupit s’ya, pero tila
hindi naman?
Tuluyan ko ng natanggal ang
piring sa aking mga mata, subalit hindi ko pa rin makita ang mukha n’ya dahil
nakayakap s’ya sa akin habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking balikat.
Patuloy s’ya sa pag-iyak. Nanatili akong tahimik. Naguguluhan ako sa nagaganap.
“P-Patawarin mo ako, A-Anak...”
Nagimbal ako sa aking
narinig.
Anak.
Anak.
Patawarin mo ako, Anak...
Anak? Tinawag n’ya akong
anak...
Ubod-lakas ko s’yang itinulak
upang makawala s’ya sa pagkakayakap sa akin. At doo’y tumambad sa aking
paningin ang kanyang luhaang mukha.
“Itay?” nanlaki ang aking mga
mata. Nananaginip ba ako? Totoo ba ‘tong nakikita ko?
Sampung taon na ako ng iwan
kami ni Itay kaya tanda ko na ang kanyang mukha.
“Patawarin mo ako, Aby...”
lalo s’yang napahagulhol. Bakas ang pagkapahiya sa kanyang mukha. Marahil ay
nakilala n’ya ako dahil sa malaki kong balat sa aking dibdib patungo sa aking
tiyan. At kahit lumipas ang walong taon, nanatili pa rin ang aking itsura at
hindi iyon nagbago kaya agad n’ya akong nakilala.
Napayuko ako. Noo’y nakadamit
na s’ya, pero tila hindi ko s’ya kayang tingnan. Nandidiri ako sa kanya. Base
sa usapan kanina, marami na s’yang pinagsawaan at pinahirapang babae.
Kilalang-kilala s’ya ng mga kasamahan ko. Habang s’yang nagpapakaligaya, kami
naman nila Inay ay nagdurusa. At ngayon, sarili n’yang anak ay muntik n’ya pa
sanang mabiktima. Dumaloy ang luha sa aking pisngi.
“Anak...” nilapitan n’ya ako.
“Ang kapal ng mukha mong
tawagin akong anak!” diretso ko iyong sinabi sa kanya. Bakas ang galit sa aking
mga mata. “Ama ba kita, huh? Sa tingin mo ama ba kita? Tingnan mo ako ngayon!” Tumayo
ako sa kama at inalis ko ang kumot na ibinalot n’ya sa aking katawan.
Patuloy s’ya sa pag-iyak.
Lumantad sa kanyang harapan ang walang saplot kong katawan.
“Tingnan mo ako! At ngayon ay
tawagin mo akong anak. Ginagawa ko ito para tulungan si Inay na buhayin ang mga
anak mong basta mo na lang iniwan.” Pilit ko s’yang kinonsensiya.
“Patawarin mo ako, Anak.”
Ulit n’ya. Muli n’ya akong binalot ng kumot at mahigpit n’ya akong niyakap.
“Patawarin n’yo ako. Hindi ko alam na ganito ang sasapitin mo. Pinagsisisihan
ko na ang aking mga nagawang pagkukulang sa inyo.”
Napahagulhol din ako. Sobrang
sama ng aking loob.
“Ate...”
Masaya kong niyakap ang aking
mga kapatid. Pati na rin si Inay. Pagkatapos ng araw na nakita ko si Itay ay itinigil
ko na ang pagiging Magdalena. Muli akong umuwi sa aming probinsiya. Hindi ko sinabi
kila Inay kung ano ang totoo kong naging buhay sa Maynila. Hindi ko na rin
sinabi sa kanila ang tungkol sa muli naming pagtatagpo ni Itay.
Pagkatapos naming mag-iyakan
ni Itay ng araw na iyon ay hindi ko na s’ya muli pang nakita. Hindi n’ya
nakamit ang aking kapatawaran kahit nagpa-ulit-ulit pa s’ya sa pag-hingi ng
tawad sa akin ng araw na iyon. Nagawa n’ya pang lumuhod sa aking harapan, pero nanatiling
sirado ang aking puso.
Para sa akin, hindi sapat ang
kanyang mga luha upang maibalik pa ang nawala kong dangal.
The End.
A Short Story - Magdalena I
Author’s Note:
Hi. Naisipan kong isulat ang
kuwentong ito magmula ng marinig ko ang awiting “Magda” ni Gloc-9 featuring
Rico Blanco. Sabi ng officemate ko, pakinggan ko raw ‘yong lyrics ng naturang
awitin kasi maganda... then, ito nga, nakabuo ako ng isang kuwento. Sana
maibigan n’yo.
Marami ang binabansagang Magdalena
sa panahon ngayon. Mga babaeng ginagamit ang katawan or ibinebenta ang sariling
laman upang kumita ng pera.
Ang mga tauhan at pangyayari
sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko lamang. Kung tumutugma man ito sa
inyong personal na buhay, iyon ay hindi ko sinasadya.
*****
Bata pa lang ako ng iwan kami
ng aming ama. Sumama ito sa ibang babae. Ako ang panganay sa aming pitong
magkakapatid, dahil doon kaya ako ang naging katuwang ni Inay sa pag-gabay at
pagpapalaki sa aking mga kapatid. Tinapos ko lamang ang grade-six, hindi na ako
nagpatuloy sa high school para mas makatulong ako kay Inay. May maliit kaming
puwesto sa palengke, tindahan ng isda. Ako ang nagbantay noon at tumayong
tindera, subalit hindi nagtagal ay nalugi kami. Mas malaki pa kasi ang
araw-araw naming upa sa puwesto sa palengke kaysa sa aming kinikita. Naisipan
ko ring ilako na lang ang aming mga isda, pero mas nalugi kami dahil binabarat
lang kami ng ibang mamimili. Tumulong na lang ako kay Inay sa pagtanggap ng
labada, pero maliit ang kita, hindi ‘yon sapat upang matugunan ang aming
pang-araw-araw na pangangailangan.
Isang araw, dumating sa aming
probinsiya ang anak ng aming kapit-bahay na si Carlota. Bali-balita sa aming
lugar na mayaman na ito at may magandang trabaho sa Maynila. Kakilala ko na
s’ya noong bata pa ako, pero hindi ko s’ya naging kalaro noon dahil mas matanda
s’ya ng walong taon sa akin kaya mas nauna s’yang nagdalaga.
“Kumusta ka na?”
Nagulat pa ako sa kanya ng bigla
s’yang nagsalita buhat sa aking likuran. Nagsasampay ako noon sa likod-bahay.
“Mabuti naman. Ikaw? Mayaman ka na raw, ah,”
Tanging ngiti lang ang
kanyang isinagot sa tinuran ko. Iniabot n’ya sa akin ang isang maliit na box ng
isang mamahaling pabango.
“Para kang nag-abroad, ah,”
biro ko sa kanya. “Maraming salamat para rito.”
“Walang-anuman. Dalaga ka na,
ah. Noong huli tayong nagkita, sampung taon ka pa lang ‘ata noon, ano?”
nakangiti pa rin s’ya.
“Oo, tama ka. Ngayon ay
seventeen na ako at malapit na akong mag-eighteen.” Nakangiti ring sagot ko.
“Advance happy birthday. Gift
ko na ‘yan, ha?” itunuro n’ya pa ang ibinigay n’ya sa akin.
Tumawa ako. “Maraming
salamat,”
Tumango lang s’ya. Para
s’yang balisa na hindi ko mawari.
“Sige na. Mauna na ako, Aby.”
Paalam n’ya sa akin sabay talikod.
“Ate Carlota...”
Muli n’ya akong nilingon.
Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga
bago ako muling nagsalita. “P’wede ba akong sumama sa’yo sa Maynila?”
“Huh? Bakit?”
“Ang hirap ng buhay dito.
Hindi sapat ang aming kinikita ni Inay para kami’y mabuhay. Gusto kong
makapag-trabaho ng mas maganda, katulad sa’yo...”
Umiling s’ya. “Mas mahirap
ang buhay sa Maynila, Aby. Hindi biro.”
“Pero mas maraming p’wedeng
pasukan doon sabi nila. Please, ate Carlota?” pakiusap ko.
Saglit n’ya akong tinitigan.
“Okay, sige. Magpaalam ka muna sa Inay mo at ‘pag pinayagan ka n’ya, isasama
kita pag-balik ko sa Maynila.”
Kaligayahan ang rumehistro sa
aking inosenteng mukha. “Salamat, Ate.”
Noong una ay ayaw akong
payagan ni Inay na magtungo sa Maynila, subalit napapayag ko rin s’ya. Nangako
ako sa kanya na gagawa ako ng paraan para mahango ko sila sa kahirapan. Alam
kong kay hirap tuparin ng pangakong iyon, pero pipilitin ko.
Ang ganda pala ng Maynila at
ang laki. Tuwang-tuwa ako. Ngayon lang ako nakaluwas dito. Ang daming
naglalakihang mga sasakyang pang-lupa. Ang daming magagandang bahay. Tila ba, lahat ng tao rito ay mayayaman.
Subalit napawi ang isipin
kong iyon ng mapadaan kami ni ate Carlota sa grupo ng mga kabataang madudungis
na naglalaro sa kalsada. Mga tambay sa kalye, mga aleng nagtsi-tsismisan sa
kalsada at mangilan-ngilang pulubing namamalimos sa lansangan.
“Dito ka muna tumira sa
apartment ko habang wala ka pang napapasukan.”
Pumasok kami ni ate Carlota
sa isang maliit at masikip na kuwarto. Sa kuwartong iyon ay mayroon ng maliit
na TV, maliit na sofa, foam na nakalatag sa isang sulok at maliit na lamesa na
naka-puwesto sa kabila ring sulok.
Nginitian ako ni ate Carlota
ng mapansin n’ya siguro ang pagtataka sa aking mukha.
“Hindi naman talaga ako
mayaman. Ganito lang ang buhay ko rito sa Maynila.” Tila ba nabasa n’ya ang
nasa isip ko. “Hinahayaan ko na lang ang mga taga sa atin na maniwala sa kung
ano ang gusto nilang paniwalaan.”
“Si Aling Lupe ang
nagbabalitang mayaman ka na raw dito, ate Carlota.” Ang kaniyang ina ang aking
binanggit.
“Tama ka. Iyon kasi ang
sinasabi ko kay Inay. Ayaw ko kasing mag-alala s’ya sa akin, ayaw kong
pabalikin n’ya ako roon at hindi na payagang manirahan pa rito.” Kinagat n’ya
ang kanyang pang-ibabang labi upang pigilan ang napipintong pag-iyak.
Nilapitan ko s’ya. Nakaramdam
ako ng awa para sa kanya.
“H’wag kang mag-alala, ate
Carlota. Hindi ko sasabihin kay Aling Lupe kung ano man ang natuklasan ko.”
“Salamat, Aby.” Dumaloy ang
luha sa kanyang pisngi. Hindi na n’ya iyon napigilan pa.
Pasado alas-siyete na nang
gabi ng magising ako. Nakatulog pala ako, sanhi siguro ng pagkapagod sa biyahe.
Hindi kasi ako sanay magbiyahe ng malayo.
“Ate Carlota?” lumabas ako ng
bahay at hinanap ko s’ya. “Ate Carlota?”
“Kapatid ka ni Carlota?”
tanong ng isang Ale. Tila kasing-edad ito ni Inay.
Nginitian ko s’ya. “Hindi po.
Kaibigan lang po.”
“Ah...” ta-tangu-tango ito.
“Nakita n’yo po ba s’ya?”
“Hindi. Pero malamang,
rumaraket na naman ‘yon,”
“Ano pong raket?”
“Hindi mo ba alam kung ano
ang trabaho n’ya?”
Umiling ako. Hindi naman
nabanggit sa akin ni ate Carlota.
Nagkibit-balikat lang ito.
“Pumasok ka na sa loob ng bahay n’yo at baka masumpungan ka ng mga loko rito.
Magandang bata ka pa naman, baka mapag-tripan ka.”
Sinunod ko ang sinabi ng Ale.
Muli akong pumasok sa loob ng bahay. Naupo ako sa sofa. Doon ko lang napansin
ang piraso ng maliit na papel na nakadikit sa screen ng TV. May note si ate
Carlota. Sabi n’ya, kumain na lang daw ako dahil baka umaga na s’yang makauwi.
Bigla akong nalungkot. Ang
hirap palang mag-isa. Nami-miss ko sila Inay at ang aking mga kapatid. Nanuod
na lang ako ng TV. Nang mapagod ako at magsawa ay nahiga na lang ako. Muli kong
naisip ang inamin ni ate Carlota kanina. Mukhang tama nga ‘yong sinabi n’ya sa
akin noong nasa probinsiya pa kami, na mas mahirap ang buhay rito sa Maynila at
hindi biro.
Naalimpungatan ako. Sinulyapan ko ang aking relo sa kaliwang braso.
Alas-dos na ng madaling-araw. Bumangon ako dahil narinig kong may nag-uusap sa
labas. Baka dumating na si ate Carlota. Dahan-dahan kong pinihit ‘yong doorknob.
Sumilip ako sa maliit na siwang ng pintuan.
“Nag-enjoy ako. Ang galing mo!”
tila nang-gi-gigil pa ang lalaki. Nakita kong hinalikan nito sa labi si ate
Carlota.
“Me too,” Nakatawang sagot ni
ate Carlota. Nakasuot s’ya ng hanging blouse na spagetti strap. Maikli rin ang
kanyang palda na tila ba konting galaw lang n’ya ay agad s’yang makikitaan.
Nakasuot s’ya ng sapatos na mataas ang takong.
Napalunok ako. Muli kong
isinara ang pinto ng dahan-dahan. Hindi
mo ba alam kung ano ang trabaho n’ya? Naalala ko ‘yong tanong ng Ale sa
akin kanina.
“Gising ka pa?”
Agad kong nilingon si ate
Carlota. Ang kapal ng kanyang lipstick at make-up. Ang lalaki rin ng kanyang suot
na hikaw. Pilit ang ngiti n’ya sa akin.
“Ngayon, alam mo na...”
“B-Bakit ganyan ‘yong trabaho
mo?”
Naupo s’ya sa sofa. “Wala
naman akong ibang mapapasukan, Aby. Hindi naman ako nakapag-aral. Lahat na
pinasok ko, pero kulang pa rin,”
Naupo ako sa tabi n’ya. “Pero
ate, ano na lang ang sasabihin sa’yo ng mga taga sa atin kapag nalaman nila
‘yang totoong trabaho mo?”
“Wala akong pakialam sa
sasabihin ng mga tao. Hindi nila ako kayang buhayin at ang pamilya ko, kaya
kahit hamakin man nila ako, hindi ako titigil sa kung ano man ang ginagawa ko.”
Napaiyak s’ya.
Ayaw kong gumaya kay ate
Carlota. Hindi ko kaya. Naghanap ako ng mapapasukan. Naging dishwasher ako sa
isang canteen. Ilang araw ang lumipas, nalugi ito at nagsara. Naging katulong
ako sa isang mayamang pamilya, pinagselosan ako ng amo kong babae kaya
pinalayas ako. Nag-apply ako sa iba, pero palagi akong hindi natatanggap dahil
Elementary graduate lang daw ako.
“Aby, kakausapin ka raw ng
Inay mo,” Iniabot sa akin ni ate Carlota ang kanyang cell phone.
“Hello, Inay?”
“Anak...” sambit nito sabay
iyak sa kabilang linya.
“’Nay, bakit?” nag-aalalang
tanong ko.
“Ang mga kapatid mo, sina
Mikoy at Pikoy... nadisgrasya. Hindi makalakad si Mikoy at si Pikoy naman,
pumutok ‘yong ulo. Nahulog sila sa puno ng bayabas.” Patuloy sa pag-iyak si
Inay.
“Bakit naman kasi sila
umakyat?” hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak.
“Ibebenta nila para pambaon
sana,”
“Ano raw ho ang kailangang
gawin?”
“Kelangang operahan si Mikoy
at si Pikoy naman, kailangan din ng mga gamot. Kailangan ng malaking halaga,
Anak.”
Naihilamos ko ang kaliwa kong
palad sa aking mukha. Saan ako kukuha ng pera? Ultimo nga piso ay wala ako
dahil lahat ng kinikita ko ay pinadadala ko sa amin.
“Sige, Inay. Magpapadala po
ako.”
Napahagulhol ako ng i-off ko na ang cell phone. Pa’no ako makapag-papadala
kila Inay? Baon na ako ng utang kay ate Carlota, pang-tuition ng mga kapatid
ko, pambayad ng utang namin sa probinsiya at kung saan-saan pa. At isa pa, wala
rin s’yang naiipon dahil pinadadala n’ya rin lahat sa kanyang pamilya.
“Anong problema?”
“Kailangan ko ng pera, ate
Carlota.”
“Saan ka kukuha?”
“Ipasok mo ako sa pinapasukan
mo...”
“Aby, hindi p’wede!
Menor-de-edad ka pa. At isa pa, ayaw kong maranasan mo ang mga dinadanas ko.”
“Pero ate Carlota, ako lang
ang inaasahan nila Inay. Kelangang maoperahan si Mikoy.”
Nabalisa s’ya.
“Ate, please?” nagmakaawa ako
sa kanya.
Napaiyak din s’ya. “ O sige,
pero ngayon mo lang ‘to gagawin ha. At mangako ka, na ito ang una at huli.”
Napatango ako. Nanginginig
ang aking mga labi. Napahagulhol ako.
Sumapit ang gabi. Inayusan
ako ni ate Carlota. Nanginginig s’ya habang ako nama’y panay sa pagluha.
“Sigurado ka bang gagawin mo
‘to?”
Anong buhay ang naghihintay
sa akin pag-katapos nito? Nag-aalinlangan akong tumango.
To be continued...
Wednesday, September 25, 2013
A pleasant voice of a mystery man - Prologue
“Ikaw ba si Hydee?”
Kunot-noong napatango
si Hydee sa isang batang lalaking lumapit sa kanya. Tila nagtatanong din ang
kanyang mga mata ng tumingin s’ya rito.
“May nagpapa-bigay
sa’yo nito.” Buhat sa likuran ng bata ay inilabas nito ang kamay na may hawak
na isang pirasong puting rosas at iniabot nito iyon sa kanya.
Isang matamis na
ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Tinanggap n’ya iyon at masuyong inamoy.
“Kanino ‘to
nanggaling?”
“Doon...” matipid
nitong sagot sabay turo sa isang direksiyon.
Sinundan n’ya ng
tingin ang direksiyong itinuro nito. Walang lingon-likod na tinungo n’ya iyon
pagkatapos n’yang magpasalamat sa bata.
Ilang sandali lang at
isang hardin ang kanyang kinahantungan. Harding punong-puno ng mga puting
bulaklak na humahalimuyak sa bango. May mga paru-paro ring nagliliparan sa
paligid na animo’y nagdiriwang sa kanyang pagdating.
Wow! Manghang pinagmasdan
n’ya ang mga ito. Pakiramdam n’ya ay isa s’yang prinsesa nang mga sandaling
iyon. Am I dreaming?
Nasa gano’ng
sitwasyon s’ya nang muling tawagin ang kanyang pansin ng isang musika buhat sa
kanyang likuran. Isang napakagandang tunog ng gitara kasabay ang kaibig-ibig na
tinig ng isang lalaki. Isang awiting pamilyar sa kanya ang inaawit nito. Agad
s’yang napalingon...
Hey,
there’s a look in your eyes... Must be love at first sight. You were just part
of a dream, nothing more so it seemed... But my love couldn’t wait much longer,
just can’t forget the picture of your smile, ‘cause everytime I close my eyes
you come alive...
Isang lalaking
naka-all white ang may hawak na gitara habang papalapit sa kinaroroonan n’ya.
Mga ilang dipa rin ang layo nito sa kanya kaya hindi n’ya masyadong matanaw ang
kabuuan ng mukha nito. Subalit, dinig na dinig n’ya ang malamyos at kay gandang
boses nito. Hindi lang kasi ang kanyang tenga ang nakikinig, kundi pati na rin
ang kanyang puso. Pakiramdam n’ya ay agad s’yang nasibat ni kupido. Kakaibang
gayuma ang hatid ng tinig nito.
The
closer I get to touching you. The closer I get to loving you. Give it time just a little more time, we’ll be
together... Give a little smile that’s special smile, a twinkle in your eye and
a little while. Give it time just a little more time, so we can’t get closer...
you and I...
Oh, God! Pabilis ng
pabilis ang tibok ng kanyang puso habang palapit naman ito nang palapit sa
kanya.
Sobrang excited na s’yang makita ang mukha nito.
Konti na lang. Konting-konti na lang,
Hydee.
Next Chapter
Sunday, September 22, 2013
I'm caught between goodbye and I love you - Chapter 5
“Jen!”
Sabay
kaming napalingon ni Martin sa pinagmulan ng boses. Ang co-teacher kong si
Gemma. Nakatayo s’ya sa pintuan.
“Bukas
‘yong gate n’yo, eh, kaya pumasok na ako.” Nakangiting paliwanag n’ya. “Eh,
bukas din itong pinto kaya sumilip na lang ako.”
Natawa
ako. Sinalubong ko s’ya.
“Okay
lang. Tuloy ka.”
“Thanks.
Patunay ba ‘yon na welcome na welcome ang mga bisita n’yo?” natatawang biro ni
Gemma bago s’ya naupo sa sofa.
“Yes.
Mabait kaya ako sa kahit sinong bisita.” Natatawa rin ako. Naupo ako sa tabi
n’ya. “Nakalimutan sigurong isara ni Martin no’ng pumasok s’ya. Galing kasi
s’ya sa labas.”
“Sinong
Martin?”
Hinagilap
ko si Martin. Wala na s’ya sa sala.
“’Yong
lalaking kausap ko kanina. Nakita mo ba ‘yon?”
“Ah,
oo. Pero hindi ko masyadong natingnan ‘yong mukha.” Bahagya pa s’yang lumapit
sa akin para bumulong. “New boyfriend?”
Napangiti
ako. “Hindi. Kaibigan lang,”
“Ows?”
“Merienda,
Ma’am...” inilapag ni Martin ang isang pitsel ng juice sa mesa at dalawang
slice ng pizza. May inilapag din s’yang dalawang bakanteng baso.
“Wow
naman. Thank you.” Tila ba kinikilig si Gemma. Hindi ko alam kung para saan
‘yong kilig n’yang iyon.
Napangiti
ako. Mabait talaga si Martin at magalang. Lahat ng nagiging bisita ko,
pinaghahanda n’ya ng merienda.
“Martin,
si Gemma. Co-teacher ko. Gem, si Martin... kaibigan ko.” Pagpapakilala ko sa
kanilang dalawa sa isa’t-isa.
“Hi
Martin. Kaya pala palaging blooming ‘tong si Jen, eh.” May himig panunukso sa
tinig ni Gemma.
“Gem?”
napakunot-noo ako. Pagkuwa’y napahiya rin ako kay Martin, baka kung ano pang
maging dating sa kanya ng sinabi ni Gemma.
Tumawa
lang si Martin. Pero sinulyapan n’ya ako at saglit tinitigan habang nakatayo
s’ya sa harapan namin ni Gemma. Pinilit ko tuloy mag-iwas ng tingin sa kanya.
“Uhm,
anyway, Gem... uhm, a-ano nga palang sadya mo?" pagkuwa’y iniba ko ang
usapan.
“Ayon...”
uminom muna ng juice si Gemma, “magsu-swimming kami tomorrow. Gusto mo bang
sumama?”
“Saan
naman?”
“Sa
probins’ya nila Lupin. Malapit lang,” co-teacher ko rin ‘yong binanggit n’ya.
“Sama ka na, tutal wala namang pasok bukas tapos holiday naman sa Monday kaya
wala pa ring pasok.”
“Pag-iisipan
ko...” hindi ako mahilig sa mga gimik, outing or galaan. Trip ko kasing
tumambay sa bahay lang kapag walang pasok.
“Ito
naman. Minsan lang ‘to, eh.” Tinapik n’ya pa ako sa braso. “Sama ka na. Sama mo
itong si pogi,” nangingiti pa s’ya ng balingan n’ya si Martin na nakaupo sa
isang sulok habang abala sa pagte-text.
Natawa
na lang ako.
“Sige
na. Sasama na ako.”
“Gusto
mo bang sumama?”
Nilingon
ako ni Martin. Abala s’ya sa pagdidilig ng mga halaman sa munting garden ko sa
likod-bahay.
“Sa
outing n’yo?”
Naglakad
ako papalapit sa kanya.
“Yes.
‘Yong nabanggit ni Gemma kagabi. Narinig mo naman ‘yon, ‘diba?”
“Hindi
ko naman sila kilala, eh. Ikaw na lang, Ma’am...” patuloy s’ya sa pagdidilig.
“’Ando’n
naman ako, eh. Saka mababait naman ‘yon sila. Tingnan mo nga si Gemma, agad
kang nagustuhan.”
“Hindi
ka tumutupad sa pangako mo,”
“Huh?”
Tiningnan
n’ya ako. “Nagpromise ka sa akin no’ng nakaraan, ‘diba? Na sasamahan mo akong
bumili ngayon ng panregalo ko kay Jessica kasi monthsary namin bukas. Tapos sasamahan
mo rin akong ipadala iyon sa province.”
“Oh,
I’m sorry.” Napakagat-labi ako. Oo nga pala, nangako nga pala ako kay Martin.
Nakalimutan ko. “Ganito na lang, bukas na lang ng umaga kita sasamahan, ha?”
“Kahit
‘wag na. Kaya ko namang mag-isa, eh.”
Napangiti
ako. “’Wag ka ng magtampo. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan ‘yon, eh.
Mahaba pa naman ang oras bukas.”
Saglit
s’yang nag-isip. Kapagkuwa’y ngumiti na rin s’ya.
“Gusto
mo talaga akong isama?”
“Oo
nga, para naman hindi ka malungkot dito.” Kinindatan ko pa s’ya. “Then tomorrow
morning, sasamahan kitang bumili ng gift for Jessica, okay?”
“Okay.
Pasalamat ka dahil maganda ka, kundi magtatampo talaga ako sa’yo.” Biro n’ya
habang tumatawa.
Natawa
rin ako. “Bilis na... mag-ready ka na.”
“Okay,
Miss Jen. Tatawagan ko lang si Jessica, magpapaalam lang ako.”
“Okay.”
Next Chapter
Subscribe to:
Posts (Atom)



