Wednesday, September 25, 2013

A pleasant voice of a mystery man - Prologue

“Ikaw ba si Hydee?”
Kunot-noong napatango si Hydee sa isang batang lalaking lumapit sa kanya. Tila nagtatanong din ang kanyang mga mata ng tumingin s’ya rito.
“May nagpapa-bigay sa’yo nito.” Buhat sa likuran ng bata ay inilabas nito ang kamay na may hawak na isang pirasong puting rosas at iniabot nito iyon sa kanya.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Tinanggap n’ya iyon at masuyong inamoy.
“Kanino ‘to nanggaling?”
“Doon...” matipid nitong sagot sabay turo sa isang direksiyon.
Sinundan n’ya ng tingin ang direksiyong itinuro nito. Walang lingon-likod na tinungo n’ya iyon pagkatapos n’yang magpasalamat sa bata.
Ilang sandali lang at isang hardin ang kanyang kinahantungan. Harding punong-puno ng mga puting bulaklak na humahalimuyak sa bango. May mga paru-paro ring nagliliparan sa paligid na animo’y nagdiriwang sa kanyang pagdating.
Wow! Manghang pinagmasdan n’ya ang mga ito. Pakiramdam n’ya ay isa s’yang prinsesa nang mga sandaling iyon. Am I dreaming?
Nasa gano’ng sitwasyon s’ya nang muling tawagin ang kanyang pansin ng isang musika buhat sa kanyang likuran. Isang napakagandang tunog ng gitara kasabay ang kaibig-ibig na tinig ng isang lalaki. Isang awiting pamilyar sa kanya ang inaawit nito. Agad s’yang napalingon...


Hey, there’s a look in your eyes... Must be love at first sight. You were just part of a dream, nothing more so it seemed... But my love couldn’t wait much longer, just can’t forget the picture of your smile, ‘cause everytime I close my eyes you come alive...

Isang lalaking naka-all white ang may hawak na gitara habang papalapit sa kinaroroonan n’ya. Mga ilang dipa rin ang layo nito sa kanya kaya hindi n’ya masyadong matanaw ang kabuuan ng mukha nito. Subalit, dinig na dinig n’ya ang malamyos at kay gandang boses nito. Hindi lang kasi ang kanyang tenga ang nakikinig, kundi pati na rin ang kanyang puso. Pakiramdam n’ya ay agad s’yang nasibat ni kupido. Kakaibang gayuma ang hatid ng tinig nito.

The closer I get to touching you. The closer I get to loving you. Give it  time just a little more time, we’ll be together... Give a little smile that’s special smile, a twinkle in your eye and a little while. Give it time just a little more time, so we can’t get closer... you and I...

Oh, God! Pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso habang palapit naman ito nang palapit sa kanya.
Sobrang excited na s’yang makita ang mukha nito. Konti na lang. Konting-konti na lang, Hydee.



Next Chapter

Sunday, September 22, 2013

I'm caught between goodbye and I love you - Chapter 5

“Jen!”
Sabay kaming napalingon ni Martin sa pinagmulan ng boses. Ang co-teacher kong si Gemma. Nakatayo s’ya sa pintuan.
“Bukas ‘yong gate n’yo, eh, kaya pumasok na ako.” Nakangiting paliwanag n’ya. “Eh, bukas din itong pinto kaya sumilip na lang ako.”
Natawa ako. Sinalubong ko s’ya.
“Okay lang. Tuloy ka.”
“Thanks. Patunay ba ‘yon na welcome na welcome ang mga bisita n’yo?” natatawang biro ni Gemma bago s’ya naupo sa sofa.
“Yes. Mabait kaya ako sa kahit sinong bisita.” Natatawa rin ako. Naupo ako sa tabi n’ya. “Nakalimutan sigurong isara ni Martin no’ng pumasok s’ya. Galing kasi s’ya sa labas.”
“Sinong Martin?”
Hinagilap ko si Martin. Wala na s’ya sa sala.
“’Yong lalaking kausap ko kanina. Nakita mo ba ‘yon?”
“Ah, oo. Pero hindi ko masyadong natingnan ‘yong mukha.” Bahagya pa s’yang lumapit sa akin para bumulong. “New boyfriend?”
Napangiti ako. “Hindi. Kaibigan lang,”
“Ows?”
“Merienda, Ma’am...” inilapag ni Martin ang isang pitsel ng juice sa mesa at dalawang slice ng pizza. May inilapag din s’yang dalawang bakanteng baso.
“Wow naman. Thank you.” Tila ba kinikilig si Gemma. Hindi ko alam kung para saan ‘yong kilig n’yang iyon.
Napangiti ako. Mabait talaga si Martin at magalang. Lahat ng nagiging bisita ko, pinaghahanda n’ya ng merienda.
“Martin, si Gemma. Co-teacher ko. Gem, si Martin... kaibigan ko.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa sa isa’t-isa.
“Hi Martin. Kaya pala palaging blooming ‘tong si Jen, eh.” May himig panunukso sa tinig ni Gemma.
“Gem?” napakunot-noo ako. Pagkuwa’y napahiya rin ako kay Martin, baka kung ano pang maging dating sa kanya ng sinabi ni Gemma.
Tumawa lang si Martin. Pero sinulyapan n’ya ako at saglit tinitigan habang nakatayo s’ya sa harapan namin ni Gemma. Pinilit ko tuloy mag-iwas ng tingin sa kanya.
“Uhm, anyway, Gem... uhm, a-ano nga palang sadya mo?" pagkuwa’y iniba ko ang usapan.
“Ayon...” uminom muna ng juice si Gemma, “magsu-swimming kami tomorrow. Gusto mo bang sumama?”
“Saan naman?”
“Sa probins’ya nila Lupin. Malapit lang,” co-teacher ko rin ‘yong binanggit n’ya. “Sama ka na, tutal wala namang pasok bukas tapos holiday naman sa Monday kaya wala pa ring pasok.”
“Pag-iisipan ko...” hindi ako mahilig sa mga gimik, outing or galaan. Trip ko kasing tumambay sa bahay lang kapag walang pasok.
“Ito naman. Minsan lang ‘to, eh.” Tinapik n’ya pa ako sa braso. “Sama ka na. Sama mo itong si pogi,” nangingiti pa s’ya ng balingan n’ya si Martin na nakaupo sa isang sulok habang abala sa pagte-text.
Natawa na lang ako.
“Sige na. Sasama na ako.”




“Gusto mo bang sumama?”
Nilingon ako ni Martin. Abala s’ya sa pagdidilig ng mga halaman sa munting garden ko sa likod-bahay.
“Sa outing n’yo?”
Naglakad ako papalapit sa kanya.
“Yes. ‘Yong nabanggit ni Gemma kagabi. Narinig mo naman ‘yon, ‘diba?”
“Hindi ko naman sila kilala, eh. Ikaw na lang, Ma’am...” patuloy s’ya sa pagdidilig.
“’Ando’n naman ako, eh. Saka mababait naman ‘yon sila. Tingnan mo nga si Gemma, agad kang nagustuhan.”
“Hindi ka tumutupad sa pangako mo,”
“Huh?”
Tiningnan n’ya ako. “Nagpromise ka sa akin no’ng nakaraan, ‘diba? Na sasamahan mo akong bumili ngayon ng panregalo ko kay Jessica kasi monthsary namin bukas. Tapos sasamahan mo rin akong ipadala iyon sa province.”
“Oh, I’m sorry.” Napakagat-labi ako. Oo nga pala, nangako nga pala ako kay Martin. Nakalimutan ko. “Ganito na lang, bukas na lang ng umaga kita sasamahan, ha?”
“Kahit ‘wag na. Kaya ko namang mag-isa, eh.”
Napangiti ako. “’Wag ka ng magtampo. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan ‘yon, eh. Mahaba pa naman ang oras bukas.”
Saglit s’yang nag-isip. Kapagkuwa’y ngumiti na rin s’ya.
“Gusto mo talaga akong isama?”
“Oo nga, para naman hindi ka malungkot dito.” Kinindatan ko pa s’ya. “Then tomorrow morning, sasamahan kitang bumili ng gift for Jessica, okay?”
“Okay. Pasalamat ka dahil maganda ka, kundi magtatampo talaga ako sa’yo.” Biro n’ya habang tumatawa.
Natawa rin ako. “Bilis na... mag-ready ka na.”
“Okay, Miss Jen. Tatawagan ko lang si Jessica, magpapaalam lang ako.”

“Okay.”


Next Chapter

Wednesday, September 18, 2013

I'm caught between goodbye and I love you - Chapter 4

“Good evening.”
Nakaupo ako sa sala habang nanunuod ng TV ng dumating si Martin.
“Good evening.” Saglit ko lang s’yang nilingon. Agad ko ring ibinalik ang aking tingin sa binabasa kong magazine.
“Hindi ka pumasok, Miss Baltazar?”
“Saturday po kasi ngayon, Mister Evangelista,”
“Oo nga pala.”
“Sa sobrang busy mo kaya hindi mo na nasusundan ang takbo ng araw, ah.” Biro ko. Muli ko s’yang nilingon. “Oh, what’s that? Nag-grocery ka?”
“Yes.” Naglakad s’ya patungo sa harapan ko. Naupo s’ya sa center table kung saan nakapatong ang mga paa ko. Dinampot n’ya ang remote at pinatay ang TV.
“Nanunood ako, Martin.”
“Nanunood? Eh, nagbabasa ka ng magazine, eh. Sayang ang kuryente. Tapusin mo muna ‘yang pagbabasa mo bago ka manuod.”
“Pakialam mo ba? Eh, hindi naman ikaw ang nagbabayad ng kuryente.”
“Sayang kaya. Sayang ang pera. Maawa ka naman sa kapatid mong si Ella. S’ya ang nagbabayad ng kuryente n’yo, ‘diba? Oh, hindi naman n’ya siguro hinihingi lang ‘yong pambayad n’ya.” Seryosong paliwanag nito. “Sabi ko kasi sa’yong ako na lang ang magbabayad ng kuryente o kaya mag-si-share ako, pero ayaw mo naman. Palihim akong nagbayad dati, pero nagalit ka tapos ngayon sasabihin mo sa akin ‘yan, na hindi naman ako ang nagbabayad.”
“Hindi naman ‘yon ang ibig kong ipakahulugan sa sinabi ko. I mean, ‘wag ka ng makialam sa mga ginagawa ko,”
“Okay. From now on, hindi na ako makikialam sa’yo.” May himig pagtatampo na naman sa tinig n’ya. Parang bata talaga, konting bagay lang, magtatampo na kaagad.
“Tampo ka na naman?” natatawang tanong ko sa kanya. “Ipagtimpla mo na lang ako ng kape, dali...”
Ngumiti s’ya sa akin. Isang matamis na ngiti. Ngiting nakapag-papalambot ng puso.
“Sige. Ipagtitimpla kita.” Agad s’yang tumalima sa inutos ko. “May tinapay akong binili d’yan, Miss Jen.”
Natatawa na lang ako habang hinahalungkat ko ang mga pinamili n’ya.
Ilang sandali pa’y bumalik na s’ya sa sala. Dala na n’ya ang isang tasang mainit na kape.
Muli s’yang naupo sa kinauupuan n’ya kanina. “Your hot coffee, Ma’am...” kinindatan pa n’ya ako ng iabot n’ya sa akin ang tasa.
“Thank you. Bakit ikaw, wala?”
“Alam mo namang hindi ako mahilig sa kape, ‘diba?”
“Oo nga pala. Gatas nga pala ang hilig mo,” pang-aasar ko sa kanya. Napangiti ako, pero ikinubli ko iyon sa labi ng tasa. Pagkuwa’y humigop ako ng kape.
“Actually, tama ka. Gatas talaga ang hilig ko,” sinakyan ng loko ang joke ko. “Samahan na rin natin ng cerelac para mas masarap.”
Muntik pa akong masamid. Natawa kasi ako dahil sa sinabi n’ya.
“Thanks nga pala sa roses, ha.”
“Wala ‘yon. Sorry kung masyado akong naging makulit kagabi, Miss Jen,”
“Okay lang ‘yon.” ibinaba ko ang tasa sa mesa. “kumusta na nga pala kayo ni Jessica?”
Ngumiti s’ya. “Okay na kami, Miss Jen.  Nag-sorry s’ya sa akin kasi hindi n’ya nasagot ‘yong tawag ko kahapon. Busy daw kasi s’ya no’ng morning tapos ‘pag-uwi n’ya, nakatulog s’ya agad dahil sa sobrang pagod.”
Nginitian ko rin s’ya. “Sabi ko sa’yo, eh. Mahal na mahal ka ni Jessica kaya ‘wag ka ng magtatampo sa kanya ulit, ha. Mas mainam kung uunawain mo na lang s’ya lalo pa’t magkalayo kayo ngayon. Kelangan ng mahabang pasens’ya.”
“Mahal na mahal ako ni Jessica?”
“Yes. Sa tuwing magka-chat kami, ikaw ang madalas n’yang ik’wento sa akin.”
“Talaga?” rumehistro ang kasiyahan sa kanyang mukha. “Ano naman ang tungkol sa akin na ikinuk’wento n’ya sa’yo?”
“Sabi n’ya, isip-bata ka raw...” sagot ko sabay tawa.
Napakunot-noo s’ya.
“Just kidding. Although, sinabi nga n’yang isip-bata ka, pero sinabi n’ya rin na balewala lang daw ‘yon kasi nakakabawi ka naman daw sa lahat ng bagay. Very sweet ka raw at very responsible sa relationship n’yo.”
“Mahal na mahal ko kasi s’ya, Miss Jen, kaya ginagawa ko ang lahat para manatili s’ya sa akin.”
Hindi ko alam kung bakit tila may kumurot sa aking puso ng mga sandaling iyon. Nasasaktan ba ako? Pero bakit?
“Bakit ka pa kasi umalis ng probins’ya? Eh, ‘diba, may work ka naman do’n dati. Graphic artist ka rin do’n, ‘diba?”
“Actually, kung ako ang tatanungin, ayaw ko talaga nito. I mean, ayaw kong lumayo kay Jessica, pero s’ya ang nagdesisyon nito. Madalas kasi akong pinag-iinitan ng papa n’ya, ayaw ni Mang Mario sa akin, Miss Jen.”
Minsan ng naik’wento sa akin ni Jessica ang tungkol sa pagtutol ng kanyang ama kay Martin. Mayaman kasi ang pamilya ni Jessica kaya ang gusto ng papa n’ya para sa kanya ay katulad din nila ang estado ng pamumuhay. Doon bagsak si Martin. Mahirap lang kasi ang pamilyang kinabibilangan nito. May dalawa pa itong nakababatang kapatid at pinag-aaral pa nito ang mga iyon.
“Kaya magsikap ka, para mapatunayan mo sa papa ni Jessica na karapat-dapat ka para sa kanyang anak.”


Friday, September 13, 2013

I'm caught between goodbye and I love you - Chapter 3

“Gabi na pala, Martin. Umuwi na tayo.”
Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo ng pigilan ako ni Martin. Hinawakan n’ya ako sa braso.
“Bakit ba umiiwas ka ‘pag love life mo na ang pinag-uusapan natin, Ma’am?”
Sinulyapan ko muna ang kamay n’yang nakahawak sa braso ko bago ako muling tumingin sa mukha n’ya.
“Hindi ako umiiwas, Martin. Inaantok na kasi ako, eh.” Pag-si-sinungaling ko. Pero ang totoo, tama s’ya. Umiiwas nga akong mapag-usapan ang tungkol sa love life ko.
Ayaw ko nang maalala pa ang nakaraan. Ayaw ko nang maalala pa na minsan na akong nasaktan ng dahil sa pag-ibig.
“Bitiwan mo ako.”
“Magkuwentuhan pa tayo. Bibili pa ako ng fish balls at kikiam. Gusto mo pa?”
“Ayoko na! Please, Martin, gusto ko ng umuwi.” Nagsimula ng uminit ang ulo ko. Sa lahat, ayaw ko pa naman ng makulit. Ayaw kong pinipilit ako sa isang bagay na ayaw kong gawin.
Binitiwan n’ya ang braso ko. Halatang nagulat s’ya sa inasal ko. Alam kong napansin n’ya ang inis sa tinig ko.
“I’m sorry, Miss Jen.” Tumayo na s’ya. “Okay. Let’s go home.”
Napabuntong-hininga ako. Gusto kong humingi ng pasens’ya dahil sa pag-su-sungit ko sa kanya, pero mas minabuti kong manahimik na lang. Baka kasi kulitin na naman n’ya ako. Much better na isipin na lang n’ya na naiinis talaga ako.




“Ella, si Martin?”
“Ayieee... baka magka-in-love-an kayong dalawa, ha.” Tatawa-tawang biro sa akin ng kapatid ko.
“Luka-luka!”
“Maaga s’yang umalis, ate Jen.” Si Jeff ang sumagot sa tanong ko. Bunsong kapatid namin ito ni Ella. “Pero may iniwan s’ya para sa’yo,”
“Ayieee!” nag-duet pa ang mga kapatid ko sa panunukso sa akin.
“Huh? Para kayong mga ewan,”
Nagtungo ako sa kusina. Tulad ng dapat asahan, may nakahain na namang breakfast sa mesa. Simula ng tumira sa amin si Martin, bihira na akong makapag-prepare ng almusal. Mas maaga kasi s’yang gumigising kesa sa akin.
Subalit, hindi ang breakfast ang pumukaw sa aking atensiyon kundi ang isang bungkos ng pulang rosas sa ibabaw ng mesa.
“Para kanino ‘to?” nilingon ko ang dalawa kong kapatid na tila ba kilig na kilig sa aking likuran.
“Para sa’yo.” Sagot ni Jeff.
“Jamella, Jefferson, ‘wag n’yo akong pag-trip-an, ha? Wala akong planong makipaglaro sa inyong dalawa.” Ugali ng dalawa kong kapatid ang badtrip-in ako lalo na sa umaga. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa sila pag na-ha-high blood ako dahil sa galit. Gusto na yata akong mamatay ng mga kapatid ko.
“Para sa’yo talaga ‘yan, Jen.” Naupo si Ella sa tabi ko. “Binili ‘yan ni Martin kanina. LQ ata kayong dalawa kagabi, eh.”
“LQ ka d’yan! Kayong dalawa, tigilan n’yo nga ‘yong panunukso n’yo sa aming dalawa ni Martin ha. Ayaw kong may makarating na kahit anong hindi magandang balita kay Jessica.” Seryosong saway ko sa dalawa kong kapatid.
“Eh, kasi naman ate, sobrang sweet sa’yo ni kuya Martin.” Naupo si Jeff sa tapat ko. “Kung wala nga lang s’yang girlfriend, iisipin namin ni ate Ella na may gusto s’ya sa’yo,”
“Tama si Jeff, Jen. Kapansin-pansin kaya ‘yong pagiging sweet ni Martin sa’yo. Samantalang sa akin, hindi naman s’ya sweet.” Napa-bungisngis pa si Ella dahil sa huli n’yang sinabi.
“Aha! Sabi ko na nga ba, pinagpapantasyahan mo rin si kuya Martin, eh.”
“Hindi ‘no!” mariing tanggi ni Ella, sabay batok kay Jeff.
Nagharutan ang dalawa kong kapatid sa harapan ko, pero wala akong pakialam sa kanila. Iba ang laman ng isip ko. Pati pala ang mga kapatid ko, napapansin din nila ang pagiging sweet sa akin ni Martin.
Actually, pansin ko na rin ‘yon, pero dini-deadma ko lang. Ayaw ko namang mag-isip ng kung ano patungkol sa pinapakita ni Martin. Baka sadyang gano’n lang talaga ang ugali n’ya.
Mabait s’ya at maalaga. Sobra. Kung umasta nga s’ya, parang girlfriend n’ya ako. Madalas na s’ya ang naghahanda ng almusal namin ng mga kapatid ko, pinipilit n’ya akong kumain ‘pag ayaw ko, palagi n’ya akong sinasamahang mag-grocery at higit sa lahat, palagi s’yang nasa tabi ko para patawanin ako sa tuwing may problema at nalulungkot ako.
No wonder kung bakit mahal na mahal s’ya ni Jessica. Kasi kahit naman siguro sino, mahuhulog talaga sa kanya dahil sa ugaling ipinapakita n’ya. S’ya ‘yong tipo ng lalaking hindi mahirap mahalin.

Teka lang, ano ba ‘tong iniisip ko?


Wednesday, September 11, 2013

I'm caught between goodbye and I love you - Chapter 2

“Miss Jen...”
Nagulat pa ako ng biglang may sumulpot na boses buhat sa aking likuran.
“O Martin, anong ginagawa mo rito?”
“Naisip kong sunduin ka.”
“Huh? Bakit? Kaya ko namang umuwi mag-isa. Sana nagpahinga ka na lang sa bahay.”
“Okay lang. Hindi naman ako pagod, eh.”
After two weeks na paghahanap ng trabaho, finally, nakahanap din si Martin. Nakapasok s’ya bilang graphic artist sa isang private school. Almost six months na rin s’yang nag-i-stay sa bahay, pero ngayon n’ya lang ako sinundo sa pinapasukan ko. High school teacher ako sa isang public school.
“May problema?”
Nagpakawala s’ya ng malalim na buntong-hininga. Sabay kaming naglakad patungo sa sakayan ng bus.
Ngumiti s’ya sa akin, pero ramdam kong pilit iyon dahil nababasa ko sa kanyang mga mata ang tunay n’yang nararamdaman. Halatang malungkot s’ya.
“Ano ‘yon?”
“Wala.”
“Come on. Try me, baka makatulong ako.”
“Kain tayo o kaya pasyal tayo sa park. Gusto mo?”
“Sige ba. Para doon natin pag-usapan ‘yang in-i-emote mo,” sang-ayon ko sabay tawa.
Natawa rin s’ya.
Nagkataon na may malapit na park sa pinagtatrabahuan ko. Doon ko s’ya inaya. Isang sakay lamang patungo roon, pero mas minabuti naming maglakad na lang, tutal malapit lang naman.
“Fish ball at kikiam na lang ang kainin natin, Martin. Miss ko na ‘yong ganon, eh.”
“Sure ka? Ayaw mo ng rice?”
“Ang hilig mo sa rice kaya ang tabatsoy mo, eh.” Biro ko sa kanya. Pero actually, hindi naman talaga s’ya mataba. Tama lang ang kanyang pangangatawan. Maliit lang kasi ako at payatot kaya ‘di hamak na mas malaki s’ya kumpara sa akin.
Napakunot-noo s’ya sabay tingin sa sariling katawan.
“Ang taba ko na ba, Miss Jen?”
“Ayieee... naconscious s’ya sa katawan n’ya.” Tumawa ako.
“Asus, atleast ako malaman. Eh ikaw, payatot.” Mas malakas ang ginawa n’yang pagtawa.
“Loko! Payatot ka d’yan! Sexy kaya ako sabi ng iba, ‘no.” Tinalikuran ko na s’ya. Patungo ako sa bilihan ng street foods.
“Binobola ka lang ng nagsabi sa’yo no’n. Naniwala ka naman.” tumatawa pa rin s’ya habang nakasunod s’ya sa akin.
“Tse!”




“Namiss ko talaga ‘to,” wika ko sa pagitan ng pagkain ko ng fish balls.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Martin sa isa sa mga upuang nakapuwesto sa naturang parke.
“Alin ang namiss mo?” kumakain din s’ya sa tabi ko.
“Itong fish balls at kikiam,”
Pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Ah, akala ko kung ano...”
Napakunot-noo ako. “Bakit ano bang iniisip mong namiss ko?”
“Akala ko may magandang memory ka sa park na ‘to kaya namiss mong tumambay dito.” Nanatili s’yang nakangiti.
“Anong memory naman ‘yon? Wala ‘no.”
“Siguro, dito kayo nagde-date ng mahal mo ano?”
“Toinks!”
“Asus, aminin...”
“Magtigil ka nga sa panunukso mo. Anyway, ‘diba may problema ka? ‘Yon na lang ang pag-usapan natin,”
Bumuntong-hininga s’ya. Nawala ang sigla at ngiti sa kanyang mukha. Natatanglawan kami ng liwanag na galing sa malaking ilaw na nakakabit sa poste sa mismong tapat namin kaya kitang-kita ko ang buong mukha niya pati ang expressions nito.
“I’m sorry. Sige, iba na lang ang pag-usa
“Si Jessica, Miss Jen...”
“What about her?”
“Lately, nahihirapan na akong contact-in s’ya. ‘Yong tipong parang binabalewala na n’ya ako. Dati-rati naman, ‘pag hindi n’ya nasasagot ‘yong mga tawag ko, nag-re-return call s’ya sa akin... but now, feeling ko, deadma na ako.”
“Ano ka ba? Feeling mo lang ‘yon. Baka busy lang si Jessica. Alam mo naman na may business sila, ‘diba? Intindihin mo na lang s’ya,”
“Palagi ko naman s’yang iniintindi, Miss Jen, eh. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ngayon, parang wala na s’yang oras para sa akin? Eh, dati-rati naman kahit busy s’ya ay nakaka-paglaan pa rin  s’ya ng kahit konting oras para kumustahin ako, para sabihing miss na n’ya ako, para mag-I love you...”
Wala akong na-i-react. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong payo ang gagawin ko para kahit papaano’y gumaan ang loob n’ya, para mawala ‘yong tampo n’ya kay Jessica.
Kasi katulad n’ya rin ako, ugali ko rin ang magtampo sa taong mahal ko ‘pag nawawalan ito ng oras para sa akin. Dahil ako, kahit gaano pa ako ka-busy, gumagawa pa rin ako ng paraan para makahanap ng oras upang ipadama rito kung gaano ko ito kamahal.
“Miss Jen?”
“Uhm, y-yes?”
“Are you okay?”
“Yes. I am fine. May iniisip lang ako,”
“Kaya ka pala natulala. Akala ko pa naman nakikinig ka sa akin. ‘Yon pala, ang layo ng isip mo...” may himig pagtatampo sa tinig n’ya.
Napangiti ako.
“Hindi. I mean, sorry. May naalala lang kasi ako, pero nakikinig naman ako sa’yo, eh.”
“Ikaw ata ang may problema, eh,”
“Wala ‘no. Sa’n na tayo? Tuloy mo na ‘yong sinasabi mo. Makikinig na talaga ako,”
“’Wag na nating pag-usapan si Jessica, Miss Jen. Lalo ko lang s’yang mamimiss, eh.” Ngumiti na s’ya sa akin. “Ikaw na lang ang pag-usapan natin,”
“Ako?”
“’Yong love life mo.”


I'm caught between goodbye and I love you - Chapter 1

“Jen, thank you talaga. You’re a true friend talaga.”
“Luka-luka, ‘wag mo na nga akong bolahin.”
“Hehe...”
End of conversation.
Nahiga na ako sa kama pagkatapos kong i-log out ang aking PC. Tapos na akong makipag-chat sa aking kababata at kaibigang si Jessica. Laking pasasalamat n’ya no’ng pumayag akong tumuloy sa aking bahay dito sa Manila ang boyfriend n’yang si Martin.
Tubong probinsiya ang huli kaya wala itong kakilala rito sa Manila. Kinailangan nitong lumuwas dito upang maghanap ng trabaho.
“Jen...” bahagyang kinatok ang pintuan ng aking k’warto nang nakababata kong kapatid na si Ella.
“Bukas ‘yan.”
Sumilip s’ya.
“May g’wapong lalaking naghahanap sa’yo sa labas.”
“Sino?”
“Martin daw,”
“Papasukin mo at pag-antayin sa sala. Bababa na ako.”
“Bagong boyfriend mo?”
“Nope. Boyfriend ng kababata ko. Si Jessica, remember?”
“Oh, I see.”
Ilang sandali pa’y bumaba na ako sa sala.
“Hey!” kinuha ko ang atensiyon ng lalaki.
Nilingon n’ya ako.
“Hi Ma’am...” isang matipid na ngiti ang kanyang pinakawalan. Lumabas ang malalim na dimple sa kaliwa n’yang pisngi.
Actually, ngayon ko lang s’ya nakita sa personal. Nakita ko na s’ya before pero sa picture lang at nakakausap ko rin s’ya paminsan-minsan pero thru chat lang sa isang social networking site.
“Oh, hi...”
“’Pag nakahanap ako ng work, agad din akong aalis dito, Ma’am.” Hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti n’ya.
“’Wag mo ngang alalahanin ‘yong pagtuloy mo dito. Ikaw talaga. Hindi ka pa nga tumutuloy, eh, aalis ka na agad.”
Natawa s’ya. “Thank you, Ma’am.”
“And please, Jen na lang, okay? Naiilang ako sa tawag mo sa akin, eh.”
Tawa pa rin s’ya.
“Sorry, Miss Jen, gumagalang lang.”
Nginitian ko s’ya.
“Okay.”




“Good morning, Miss Jen.”
Napangiti ako ng makita kong maraming nakahain sa mesa. Na late ako nang gising kaya hindi ako nakapaghanda ng almusal namin.
“Bakit ikaw ang nag-prepare ng breakfast? Sana kinatok mo na lang ‘yong pintuan ng k’warto ko. Madali lang naman akong gisingin, eh.”
Bahagyang hinila ni Martin ang isang silya upang doon ako maupo.
“Okay lang. Sanay naman akong mag-prepare ng almusal, eh.”
“Thank you.”
Naupo s’ya sa tapat ko. Agad n’yang nilagyan ng fried rice ang aking plato.
“Egg or hotdog?”
Napangiwi ako. Actually, hindi ako kumakain ng rice kapag umaga. Tila ba hindi ko kasi malunok-lunok iyon. Gusto ko, mainit na kape lamang at isang pirasong hotdog.
“Anything wrong?”
“Hindi kasi ako kumakain ng rice kapag umaga, Martin.” Pilit ang aking ngiti sa kanya. Ayaw ko namang mapahiya s’ya. Nag-effort pa s’ya for me tapos de-deadmahin ko lang.
“Oh, I’m sorry.” Ngumiti rin s’ya sa akin. “Pero, much better kung kakain ka ng kanin tuwing umaga. Mas magkakaroon ka ng lakas para sa buong maghapon.”
“Sanay naman na ako sa coffee lang,”
“Mali po ‘yon. From now on, sanayin mo na ang sarili mong kumain ng rice sa morning, okay Ma’am?” sabay kindat n’ya sa akin.
“I told you, Jen na lang. Ayoko ng Ma’am,”
“Okay. Hindi kita tatawaging Ma’am, pero mangako ka sa akin na kakain ka na ng rice every moring,”
“What?” napakunot noo ako.
“Deal or no deal?” pigil ang kanyang ngiti, pero pilit sumisilay ang biloy n’ya sa kaliwang pisngi.
“No deal.”
Nagkibit-balikat s’ya. “Okay. Ikaw ang bahala, Ma’am Jenilyn Baltazar.”
“Jen na lang,”
“May usapan tayo,” nagsimula na s’yang kumain. “Sarap talaga ng fried rice and hotdog sa umaga. Uhm, yummy.”
Natawa ako. Loko ‘to, ah. Ininggit pa ako.
“As if naman, madadala mo ako d’yan sa pang-i-inggit mo,” humigop ako ng kape.
“Hindi tayo bati,” patuloy s’ya sa pagkain. Hindi s’ya tumitingin sa akin.
“Ano?” natawa ako.
Natawa ako dahil sa tinuran n’ya. Tama nga si Jessica. Medyo may pagkaisip-bata nga itong boyfriend n’ya. Pero in fairness, he is sweet.
“O sige na po, Sir Martin Evangelista, kakain na po ako.”
Biglang laki ng pagkakangiti n’ya. Lalo akong natawa.
“Totoo?”
“Yes. Kasi tingnan mo, sayang naman ‘tong rice rito sa plato ko kung hindi ko kakainin, ‘diba?” ako naman ang kumindat sa kanya, sabay subo ko nang kanin.
“That’s good. Lalagyan pa kita,”
“Naku. Ayoko na, Martin. Tama na ‘to,”
“Sige na.” Hindi ko na s’ya napigilan pa.
“Kulit mo.”


Sunday, September 8, 2013

I'm caught between Goodbye and I love you - Teaser



               Minsan na akong nagmahal at nasaktan kaya nangako ako sa aking sarili na kailan ma’y hindi na ako muling iibig pa…

Subalit, hindi sinasadyang napalapit sa akin si Martin, boyfriend nang aking kaibigan at kababatang si Jessica.

G’wapo si Martin, mabait, maalalahanin at malambing. Pero ang pinaka-kinagigiliwan ko sa ugali n’ya ay kanyang pagiging isip-bata.

Noong una, akala ko natutuwa lang ako kay Martin, but one day I realized na hindi na iyon simpleng tuwa lang kundi umiibig na ako sa kanya…

Handa ba akong muling masaktan upang hindi masira ang pagiging magkaibigan naming dalawa ni Jessica o handa kong isakripisyo ang aming friendship para masunod ko lang ang hiling ng aking puso?