Thursday, October 30, 2014

New Blogsite

Bago na po ang aking Blog site... http://akosikitten.blogspot.com/

Tuesday, February 4, 2014

A Short Story - Running Out of Time

Author’s Note:
Alin nga ba ang mas importanteng ibigay sa mga taong mahalaga sa atin... ang PAGMAMAHAL o ang ORAS? Sabi ng iba, ang pagmamahal daw. Sabi naman ng iba'y ang oras, kasi ang pagmamahal, p’wede mo raw ibigay kahit kanino  anytime... subalit ang oras ay minsan mo lang p’wedeng ipagkaloob dahil kapag ito’y lumipas, hindi mo na ito maibabalik pa.


*****
Kringgg!
Agad akong napabalikwas nang marinig ko ang tunog nang aking alarm clock. Hudyat iyon na umaga na naman at kailangan ko na namang simulan ang aking araw.
Diretso ako sa banyo. Ramdam ko pa ang lamig ng tubig na bumuhos sa aking katawan. Agad akong nagbihis ng pampasok na damit. Tumunog ang aking cell phone.
“Oh, ‘Ma?” sinagot ko ang aparato habang nagsusuot ako ng medyas.
“Pumunta ka naman dito mamaya, anak. Medyo masama k’si ang pakiramdam ko.” Paglalambing ni mama sa akin. “Dito ka na umuwi mamaya ha? Ipagluluto kita ng paborito mo.”
“Mama, hindi p’wede. Marami akong kailangang tapusing reports ngayon. Malapit na ang deadline kaya kailangan kong mag-overtime. Gabi na akong makakauwi, nakakapagod ng magbiyahe ng malayo, ‘Ma.”
“Bukas na lang, Anak. Wala ka namang pasok ‘diba?”
“Mama, may mga kailangan din akong tapusing manuscripts. Ang tagal ng hinihingi sa akin ng editor ‘yon, baka magalit na ‘yon sa akin at tanggalin ako bilang writer. Saka na lang, ‘Ma, pag nakakuha ako ng time, okay?”
Dinig ko ang pagbuntong hininga ni mama sa kabilang linya. Ramdam ko ang pagtatampo n’ya sa akin. Nasa Manila ang trabaho ko at nasa Cavite naman ang aming bahay. Masyado akong napapagod sa biyahe kaya naisipan ko na lang mangupahan sa isang apartment na malapit sa pinagta-trabahuan ko.
Noong unang mga araw, nagagawa ko pang umuwi sa amin sa Cavite every weekends, pero nang magkaroon ako ng part time job at maging regular akong writer sa isang publishing company, hindi ko na nagawang umuwi sa amin. Unti-unti na akong nawalan ng time sa family ko lalo na sa mama ko.
Akmang palabas na ako ng bahay ng muling tumunog ang cell phone ko. Si Mabel naman ang tumatawag, pinsan ko.
“Yes?”
“’Asan ka, Kristel?”
“As usual, palabas na ng bahay at papasok na sa office. Mamaya ka na tumawag.”
“Masyado kang nagpapayaman ha.”
“Hindi naman. Kailangan lang, alam mo na, mahirap ang buhay.”
“Alam ko, pero ‘wag mo namang abusuhin ‘yang sarili mo. Nasobrahan ka naman sa sipag. Nawalan ka na nga halos ng oras para sa amin, eh. Lalo na sa mama mo, nagtatampo na ‘yon sa’yo.”
“Ginagawa ko naman ‘to para sa kanya. Gusto kong magkaroon s’ya ng magandang buhay ‘pag tanda n’ya,”
“Hindi puro pera ang kailangan ng mama mo, Kristel. Kailangan n’ya rin ng oras mo. Ikaw din, baka mamaya magsisi ka, baka kung kelan may oras ka na para sa mama mo saka naman hindi na p’wede kasi huli na...”
“What do you mean?” biglang naputol ang linya. Nawala si Mabel. “Mabs? Hello, Mabs? Mabel...”
Tila wala sa sarili ng maglakad ako patungo sa sakayan ng jeep. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng pinsan ko.
Ikaw din, baka mamaya magsisi ka, baka kung kelan may oras ka na para sa mama mo saka naman hindi na p’wede kasi huli na...
Bigla akong tumawid. Hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan sa daang tatahakin ko.
BLAGGG!
“Naku! ‘Yong babae, nasagasaan!” sigaw ng isang lalaki.
Nandilim ang aking paningin. Wala na akong makita.


Kringgg!
Agad akong napabalikwas. Habol-habol ko ang aking paghinga. Panaginip! Isang masamang panaginip. Napasandal ako sa headboard ng kama.
Ikaw din, baka mamaya magsisi ka, baka kung kelan may oras ka na para sa mama mo saka naman hindi na p’wede kasi huli na...
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cell phone ko. Si mama, tumatawag.
“Mama?”
“Miss na kita, Anak. Uwi ka naman dito mamaya. Ipagluluto kita ng paborito mo.”
Ilang oras din ang lumipas simula ng makausap ko si mama sa phone. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na sakay na ng tricycle habang tinatahak ang daan patungo sa subdivision kung saan nakatirik ang aming bahay sa Cavite. Sinabi ko sa boss ko na masama ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako makakapasok ng araw na iyon. Miss ko na din si mama at ayaw kong maging huli ang lahat.
Pasado alas-tres na ng hapon ng tumapat ako sa bahay namin.
“Manong, bayad ho, o.”
“Mukhang may patay ho sa bahay n’yo, Ma’am. Nakikiramay ho ako.”
Napalunok ako. Walang sabi-sabing lumingon ako sa bahay dahil sa tinuran ng tricycle driver. Biglang umihip ang malamig na hangin.
Sinong patay? Tila ba wala ako sa aking sarili ng bumaba ako mula sa tricycle. Malaki ang pagkakabukas ng gate namin na tila ba open sa lahat ng nais pumasok upang makiramay.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko ang aking kapatid na si Kristof na nakaupo sa isang sulok sa gilid ng aming bahay. Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Nilapitan ko s'ya.
“Sinong patay? A-Anong nangyari?” naiiyak na ako.
Yumuko lamang s’ya at lumuha. Hindi n’ya ako pinansin.
“Kristof, naman!” inis kong sabi. Luminga ako. Nakita ko ang bunso kong kapatid na lumabas ng bahay at naglakad patungo sa gate. Hinabol ko s’ya. “Krisie?”
Hindi n’ya rin ako pinansin. Bakit? Galit ba sila sa akin?
Tuluyan na akong naiyak. Sumagi sa isip ko si mama kaya patakbo na akong pumasok sa loob ng bahay. Maraming tao sa sala. Lahat sila ay nakaupo paharap sa isang kabaong. Laking kasiyahan ko ng makita ko si mama. Buhay s’ya, kausap n’ya si papa.
Thanks, God. Buhay ang pamilya ko. Bahagyang naibsan ang kaba sa aking dibdib. Buhay si mama, buhay rin si papa at ang dalawa kong kapatid... pero teka, kung buhay sila, sino ang nasa kabaong at pinaglalamayan nila ngayon?
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kabaong at sumilip dito.
Oh my God! No! Halos mapasigaw ako.
Ako ang nasa loob ng kabaong.
Patay na ako!?
Pa’no nangyari iyon? Paano akong namatay?
Kaya pala hindi ako pinansin ng aking mga kapatid. Kaya pala walang pumansin sa aking pagdating. Paanong...?
“Binangungot s’ya,” narinig kong turan ni Mabel sa aming kapit-bahay. Nilingon ko silang dalawa. Malapit sila sa kinatatayuan ko.
“Paanong bangungot?”
“Natagpuan na lang namin s’ya kaninang umaga na wala ng buhay habang nakahiga sa kanyang kama. Isu-surprise sana namin s’ya nila tita dahil birthday n’ya bukas.” Napahikbi si Mabel.
“Kawawa naman si Kristel. Ang bait n’ya pa naman...”
“Kaya nga halos hindi matanggap nila tita at tito ‘yong nangyari. Hindi nila matanggap na sa isang iglap ay agad mamamatay si Kristel.”
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Halos mapasigaw ako. Anong nangyari? Bakit nagkaganito?
Nagtatakbo akong palabas. Mabilis ang aking mga hakbang hanggang sa mapadpad ako sa isang simbahan.
Pumasok ako sa loob at nagtungo ako sa unahang hilera ng mga upuan. Lumuhod ako. Napahagulhol ako.
“Diyos ko, paano po ito nangyari? Tila hindi ko po ito kayang tanggapin. Nakikiusap po ako, bigyan n’yo pa po ako ng chance. Hindi ko po alam kung sa paanong paraan, pero naniniwala po ako na kaya n’yong gumawa ng milagro. P'wede n'yo po bang ibalik ang oras? 'Yong time kung saa'y nabubuhay pa ako... Nangangako po ako, hindi na po ako magpapaka-busy ng sobra. Maglalaan na po ako ng oras para sa aking pamilya lalo na kay mama basta po, bigyan n’yo pa po ako ng isa pang pagkakataon upang mabuhay.”
Umihip ang malakas na hangin. Napapikit ako.
“Kristel?” Idinilat ko ang aking mga mata. Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si mama.


“Maraming salamat at ligtas ka na.” Niyakap ako ng mahigpit ni mama.
“M-Mama?” halos hindi ako makapaniwalang kausap ko s'ya ngayon. Nakikita na n’ya ako, hindi katulad kanina.
Diyos ko, salamat po. Maraming salamat po.
Nagpalinga-linga ako. Doon ko napagtanto na nasa loob pala ako ng isang silid sa hospital. Nakahiga ako sa hospital bed. May benda ako sa ulo, naka-dextrose ako. Ramdam ko ang sakit ng aking katawan.
“Hindi mo ba naalala?”
“A-Ano pong nangyari?” naguguluhan ako.
“Nabangga ka ng jeep habang tumatawid ka kaninang umaga. Buti na lang at agad kang nasaklolohan ng isang lalaki. Dinala ka n’ya rito sa hospital at ayon, sabi ng doctor, mabuti na lang daw at hagip lang ang nangyari kaya pilay lang ang inabot mo. Alalang-alala kami sa’yo, Anak.”
Napapikit ako. Dumaloy ang luha sa aking pisngi. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang totoong nangyari. Basta ang alam ko, buhay ako ngayon. Binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon at kung anuman ang ipinangako ko sa kanya kanina, panaginip ko man ‘yon or kung ano pa man... muli akong nangangako ako ngayon na tutuparin ko ‘yon.
Muli akong niyakap ni mama.
“I’m sorry, ‘Ma, kung nawalan na ako ng oras para sa inyo.”
“Wala ‘yon, Anak.”
“Salamat, ‘Ma, pero I promise, ibabalik ko na ulit ‘yong bonding natin dati. Hindi na ako masyadong magpapaka-busy sa trabaho.” Masayang pangako ko.
“Talaga, Anak? Salamat.”
“Miss ko na po kayo...”
“Miss ka na rin namin.”
Bumukas ang pintuan.
“Happy birthday, pinsan.” Si Mabel ang iniluwa ng pinto. Humalik ito sa pisngi ko.
Natatawa ako. “Bukas pa kaya.”
“Eh, gusto kong i-advance, eh.”
Nagkatawanan kami.
Until now, hindi pa rin mawala sa aking isip ang tungkol sa insidenteng iyon... Ang pagkamatay ko, kung totoo nga ba iyon o panaginip lang... basta ang alam ko, nangyari iyon upang ipa-realize sa akin ang kahalagahan ng ORAS.


The End.

A Short Story - Magdalena II

Author’s Note:
Hi. Naisipan kong isulat ang kuwentong ito magmula ng marinig ko ang awiting “Magda” ni Gloc-9 featuring Rico Blanco. Sabi ng officemate ko, pakinggan ko raw ‘yong lyrics ng naturang awitin kasi maganda... then, ito nga, nakabuo ako ng isang kuwento. Sana maibigan n’yo.
Marami ang katulad ni Magdalena sa panahon ngayon. Mga babaeng ginagamit ang katawan or ibinebenta ang sariling laman upang kumita ng pera.
Ang mga tauhan at pangyayari sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko lamang. Kung tumutugma man ito sa inyong personal na buhay, iyon ay hindi ko sinasadya.


*****
Ilang oras ang lumipas. Nasa loob na kami ng isang night club. Madaming lalaki sa loob. Patay sindi ang malamlam na ilaw sa munting entablado kung saan sumasayaw ang isang babae. Ewan ko kung sumasayaw s’ya o gumigiling sa tila poste na nakatayo sa kanyang harapan.
“Hindi ba tayo sumabit d’yan, Lota?” tanong ng isang matandang babae kay ate Carlota. May edad na ito, pero nakaayos ito. Kulot ang buhok. Makapal din ang lipstick at make-up. Maiksi rin ang palda nitong suot katulad ng kay ate Carlota. “Eh, mukhang Nene pa ‘yan,”
“Hindi, tiya Saly. Sagot ko s’ya.” Sagot ni ate Carlota. Hinaplos n’ya ang mahaba kong buhok. Binulungan n’ya ako. “Kaya mo ba?”
“Oo, ate.” Nanginginig ang tinig ko, sanhi ng napipintong pag-iyak.
Ilang sandali pa’y natapos na ang babae sa kanyang palabas. Bumilis ang tibok ng aking dib-dib. Ako na ang sasalang. Naluluha kong sinulyapan sina ate Carlota at tiya Saly. Sumenyas pa sa akin ang huli na hubarin ko na ang suot kong roba.
Sinunod ko iyon. Nanginginig ang aking mga kamay pati ang aking mga paa habang umaakyat ako sa kanilang munting entablado. Nagsimula ng tumugtog ang tila ba nakabibinging tunog. Palakpakan ang mga lalaki.
Tuluyan ko ng nahubad ang suot kong roba. Tumambad sa kanilang paningin ang aking inosenteng katawan. Tanging underwear lamang na pang-itaas at pang-ibaba ang aking suot. Nagsimula na akong gumiling. Sumayaw. Kasabay noon ang pag-agos ng aking luha. Bakit kailangan ko itong maranasan? Nasaan ang aking ama na ngayon sana’y s’ya ang gumagawa ng paraan upang kami’y mabuhay at makaahon sa kahirapan? Napaka-walang puso n’ya!

Tulala ako ng maupo sa aking harapan si ate Carlota. Nasa loob pa rin kami ng club, pero wala na ang mga audience. Kaming dalawa na lang.
Niyakap n’ya ako. Iniabot n’ya sa akin ang perang kinita ko mula sa aking pagpapalabas. Kinita ko sa pagpapahipo sa mga lalaking hindi ko naman kilala. Napaluha s’ya. Ramdam ko ang awang nadarama n’ya para sa akin. Pinahid ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Ayaw ko ng umiyak. Napagod na ako kagabi at tila ba mauubos na ang aking mga luha.
Akala ko, ang araw na iyon ang una at huli kong gagawin ang bagay na iyon, pero nagkamali ako dahil muli akong nagipit, at paulit-ulit akong nagipit. Hanggang sa dumating ang araw na nakasanayan ko ng gawin ang bagay na iyon. Noong una’y sumasayaw lang ako, nakiki-table at nagpapahipo, pero hindi nagtagal, natuto rin akong magpagamit. One night stand ang tawag nila. Isa na akong pok-pok, babaeng kaladkarin at nabibilang na ako sa mga babaeng kung tawagin ay “Magdalena”.
“Bakit si Aby?” galit na tanong ni ate Carlota kay tiya Saly.
“Eh, si Aby ang napili ni Mister X, kasalanan ko ba ‘yon?” pagta-taray nito.
“Sinabi ko naman ho sa inyo na ‘wag na ‘wag n’yong isasali si Aby sa mga pagpipilian n’ya. Alam n’yong bago pa lang at bata pa si Aby. Kilala n’yo naman si Mister X, malupit at sadista s’ya pag-dating sa kama, baka hindi kayanin ni Aby.”
“’Wag ka ng makialam pa, Lota. Malaking bulas naman si Aby kaya kayang-kaya na n’ya ‘yan at isa pa, medyo sanay naman na si Aby, eh.” Giit nito.
Tahimik lang akong nakatayo habang hinihintay kong tawagin ako ng tinutukoy nilang Mister X. Wala na akong pakialam kung ano pa man ang sapitin ko sa mga kamay n’ya. Basta ang alam ko’y kailangan ko ng pera. May sakit si Inay, dulot siguro ng paglalabada n’ya noon.
“Aby, tawag ka na ni Mister X.” Bulong sa akin ng isa ring kagaya ko.
“Okay.” Sagot ko sabay buntong-hininga.
“Aby?” tila gusto akong pigilan ni ate Carlota.
Nginitian ko s’ya. “Okay lang ako, Ate. Sanay na ako, ‘wag kang mag-alala.”
“Gawin mo lang lahat ng gusto n’ya para hindi ka masaktan.” Bakas ang pinaghalong kaba at awa sa kanyang mukha.
Tumango lang ako. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad patungo sa silid kung saan naroroon ang tinatawag nilang Mister X. Dumaloy ang luha sa aking pisngi. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili dahil ramdam ko ang kaba kahit ipagpilitan ko sa sarili kong kaya ko ‘to.
Pinihit ko ang doorknob ng silid. Pumasok ako rito. Hubot-hubad na isang lalaki ang tumambad sa akin. Nakatalikod ito at nakaharap sa bintana. May hawak itong baso na tila alak ang laman.
“Hubarin mo ang lahat ng saplot mo sa katawan at magsuot ka ng piring. Tapos, dumapa ka sa kama.” Nakatalikod pa rin s’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim. Nakita kong may lubid sa ibabaw ng kama, gunting, sigarilyo, posporo. Tuluyan na akong binalot ng kaba at takot, pero sinunod ko pa rin ang utos n’ya.
Hinubad ko ang aking mga kasuotan. Dumapa muna ako sa kama bago ako nagsuot ng piring. Ilang sandali pa’y ramdam ko na ang paglapit n’ya sa likuran ko habang nakadapa pa rin ako. He kissed me on my back. Dinilaan n’ya ang aking likod paakyat sa king batok. He kissed my ears, palitan, sabay bulong, tumihaya ka na.
Sinunod ko s’ya. Dahan-dahan akong tumihaya.
“Shit!” he uttered. Ewan ko kung bakit.
Sandaling namayani ang katahimikan. Hindi ko alam kung anong ginagawa n’ya.
“P-Papatayin mo ba ako? P’wede bang ibigay mo muna kay ate Carlota ‘yong perang ibabayad mo sa akin bago mo ako patayin? Kelangan kasi ‘yon ng mga kapatid ko, kelangan din ‘yon ng Inay ko. M-may sakit kasi s’ya...”
“A-Anong pangalan mo?” tila nanginginig ang tinig n’ya.
Nanatili akong nakapiring habang nakahiga pa rin sa kama. “Abigail Pineda.”
Muli s’yang napamura. Naramdaman ko ang pagbalot ng tila kumot sa aking katawan. Naramdaman kong niyakap n’ya ako. Umiiyak s’ya. Hagulhol.
Dahan-dahan kong inalis ang aking piring. Anong problema n’ya? Bakit sabi nila’y malupit s’ya, pero tila hindi naman?
Tuluyan ko ng natanggal ang piring sa aking mga mata, subalit hindi ko pa rin makita ang mukha n’ya dahil nakayakap s’ya sa akin habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking balikat. Patuloy s’ya sa pag-iyak. Nanatili akong tahimik. Naguguluhan ako sa nagaganap.
“P-Patawarin mo ako, A-Anak...”
Nagimbal ako sa aking narinig.
Anak.
Anak.
Patawarin mo ako, Anak...
Anak? Tinawag n’ya akong anak...
Ubod-lakas ko s’yang itinulak upang makawala s’ya sa pagkakayakap sa akin. At doo’y tumambad sa aking paningin ang kanyang luhaang mukha.
“Itay?” nanlaki ang aking mga mata. Nananaginip ba ako? Totoo ba ‘tong nakikita ko?
Sampung taon na ako ng iwan kami ni Itay kaya tanda ko na ang kanyang mukha.
“Patawarin mo ako, Aby...” lalo s’yang napahagulhol. Bakas ang pagkapahiya sa kanyang mukha. Marahil ay nakilala n’ya ako dahil sa malaki kong balat sa aking dibdib patungo sa aking tiyan. At kahit lumipas ang walong taon, nanatili pa rin ang aking itsura at hindi iyon nagbago kaya agad n’ya akong nakilala.
Napayuko ako. Noo’y nakadamit na s’ya, pero tila hindi ko s’ya kayang tingnan. Nandidiri ako sa kanya. Base sa usapan kanina, marami na s’yang pinagsawaan at pinahirapang babae. Kilalang-kilala s’ya ng mga kasamahan ko. Habang s’yang nagpapakaligaya, kami naman nila Inay ay nagdurusa. At ngayon, sarili n’yang anak ay muntik n’ya pa sanang mabiktima. Dumaloy ang luha sa aking pisngi.
“Anak...” nilapitan n’ya ako.
“Ang kapal ng mukha mong tawagin akong anak!” diretso ko iyong sinabi sa kanya. Bakas ang galit sa aking mga mata. “Ama ba kita, huh? Sa tingin mo ama ba kita? Tingnan mo ako ngayon!” Tumayo ako sa kama at inalis ko ang kumot na ibinalot n’ya sa aking katawan.
Patuloy s’ya sa pag-iyak. Lumantad sa kanyang harapan ang walang saplot kong katawan.
“Tingnan mo ako! At ngayon ay tawagin mo akong anak. Ginagawa ko ito para tulungan si Inay na buhayin ang mga anak mong basta mo na lang iniwan.” Pilit ko s’yang kinonsensiya.
“Patawarin mo ako, Anak.” Ulit n’ya. Muli n’ya akong binalot ng kumot at mahigpit n’ya akong niyakap. “Patawarin n’yo ako. Hindi ko alam na ganito ang sasapitin mo. Pinagsisisihan ko na ang aking mga nagawang pagkukulang sa inyo.”
Napahagulhol din ako. Sobrang sama ng aking loob.

“Ate...”
Masaya kong niyakap ang aking mga kapatid. Pati na rin si Inay. Pagkatapos ng araw na nakita ko si Itay ay itinigil ko na ang pagiging Magdalena. Muli akong umuwi sa aming probinsiya. Hindi ko sinabi kila Inay kung ano ang totoo kong naging buhay sa Maynila. Hindi ko na rin sinabi sa kanila ang tungkol sa muli naming pagtatagpo ni Itay.
Pagkatapos naming mag-iyakan ni Itay ng araw na iyon ay hindi ko na s’ya muli pang nakita. Hindi n’ya nakamit ang aking kapatawaran kahit nagpa-ulit-ulit pa s’ya sa pag-hingi ng tawad sa akin ng araw na iyon. Nagawa n’ya pang lumuhod sa aking harapan, pero nanatiling sirado ang aking puso.
Para sa akin, hindi sapat ang kanyang mga luha upang maibalik pa ang nawala kong dangal.


The End.

A Short Story - Magdalena I

Author’s Note:
Hi. Naisipan kong isulat ang kuwentong ito magmula ng marinig ko ang awiting “Magda” ni Gloc-9 featuring Rico Blanco. Sabi ng officemate ko, pakinggan ko raw ‘yong lyrics ng naturang awitin kasi maganda... then, ito nga, nakabuo ako ng isang kuwento. Sana maibigan n’yo.
Marami ang binabansagang Magdalena sa panahon ngayon. Mga babaeng ginagamit ang katawan or ibinebenta ang sariling laman upang kumita ng pera.
Ang mga tauhan at pangyayari sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko lamang. Kung tumutugma man ito sa inyong personal na buhay, iyon ay hindi ko sinasadya.


*****
Bata pa lang ako ng iwan kami ng aming ama. Sumama ito sa ibang babae. Ako ang panganay sa aming pitong magkakapatid, dahil doon kaya ako ang naging katuwang ni Inay sa pag-gabay at pagpapalaki sa aking mga kapatid. Tinapos ko lamang ang grade-six, hindi na ako nagpatuloy sa high school para mas makatulong ako kay Inay. May maliit kaming puwesto sa palengke, tindahan ng isda. Ako ang nagbantay noon at tumayong tindera, subalit hindi nagtagal ay nalugi kami. Mas malaki pa kasi ang araw-araw naming upa sa puwesto sa palengke kaysa sa aming kinikita. Naisipan ko ring ilako na lang ang aming mga isda, pero mas nalugi kami dahil binabarat lang kami ng ibang mamimili. Tumulong na lang ako kay Inay sa pagtanggap ng labada, pero maliit ang kita, hindi ‘yon sapat upang matugunan ang aming pang-araw-araw na pangangailangan.
Isang araw, dumating sa aming probinsiya ang anak ng aming kapit-bahay na si Carlota. Bali-balita sa aming lugar na mayaman na ito at may magandang trabaho sa Maynila. Kakilala ko na s’ya noong bata pa ako, pero hindi ko s’ya naging kalaro noon dahil mas matanda s’ya ng walong taon sa akin kaya mas nauna s’yang nagdalaga.
“Kumusta ka na?”
Nagulat pa ako sa kanya ng bigla s’yang nagsalita buhat sa aking likuran. Nagsasampay ako noon sa likod-bahay. “Mabuti naman. Ikaw? Mayaman ka na raw, ah,”
Tanging ngiti lang ang kanyang isinagot sa tinuran ko. Iniabot n’ya sa akin ang isang maliit na box ng isang mamahaling pabango.
“Para kang nag-abroad, ah,” biro ko sa kanya. “Maraming salamat para rito.”
“Walang-anuman. Dalaga ka na, ah. Noong huli tayong nagkita, sampung taon ka pa lang ‘ata noon, ano?” nakangiti pa rin s’ya.
“Oo, tama ka. Ngayon ay seventeen na ako at malapit na akong mag-eighteen.” Nakangiti ring sagot ko.
“Advance happy birthday. Gift ko na ‘yan, ha?” itunuro n’ya pa ang ibinigay n’ya sa akin.
Tumawa ako. “Maraming salamat,”
Tumango lang s’ya. Para s’yang balisa na hindi ko mawari.
“Sige na. Mauna na ako, Aby.” Paalam n’ya sa akin sabay talikod.
“Ate Carlota...”
Muli n’ya akong nilingon.
Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago ako muling nagsalita. “P’wede ba akong sumama sa’yo sa Maynila?”
“Huh? Bakit?”
“Ang hirap ng buhay dito. Hindi sapat ang aming kinikita ni Inay para kami’y mabuhay. Gusto kong makapag-trabaho ng mas maganda, katulad sa’yo...”
Umiling s’ya. “Mas mahirap ang buhay sa Maynila, Aby. Hindi biro.”
“Pero mas maraming p’wedeng pasukan doon sabi nila. Please, ate Carlota?” pakiusap ko.
Saglit n’ya akong tinitigan. “Okay, sige. Magpaalam ka muna sa Inay mo at ‘pag pinayagan ka n’ya, isasama kita pag-balik ko sa Maynila.”
Kaligayahan ang rumehistro sa aking inosenteng mukha. “Salamat, Ate.”
Noong una ay ayaw akong payagan ni Inay na magtungo sa Maynila, subalit napapayag ko rin s’ya. Nangako ako sa kanya na gagawa ako ng paraan para mahango ko sila sa kahirapan. Alam kong kay hirap tuparin ng pangakong iyon, pero pipilitin ko.

Ang ganda pala ng Maynila at ang laki. Tuwang-tuwa ako. Ngayon lang ako nakaluwas dito. Ang daming naglalakihang mga sasakyang pang-lupa. Ang daming magagandang bahay. Tila ba, lahat ng tao rito ay mayayaman.
Subalit napawi ang isipin kong iyon ng mapadaan kami ni ate Carlota sa grupo ng mga kabataang madudungis na naglalaro sa kalsada. Mga tambay sa kalye, mga aleng nagtsi-tsismisan sa kalsada at mangilan-ngilang pulubing namamalimos sa lansangan.
“Dito ka muna tumira sa apartment ko habang wala ka pang napapasukan.”
Pumasok kami ni ate Carlota sa isang maliit at masikip na kuwarto. Sa kuwartong iyon ay mayroon ng maliit na TV, maliit na sofa, foam na nakalatag sa isang sulok at maliit na lamesa na naka-puwesto sa kabila ring sulok.
Nginitian ako ni ate Carlota ng mapansin n’ya siguro ang pagtataka sa aking mukha.
“Hindi naman talaga ako mayaman. Ganito lang ang buhay ko rito sa Maynila.” Tila ba nabasa n’ya ang nasa isip ko. “Hinahayaan ko na lang ang mga taga sa atin na maniwala sa kung ano ang gusto nilang paniwalaan.”
“Si Aling Lupe ang nagbabalitang mayaman ka na raw dito, ate Carlota.” Ang kaniyang ina ang aking binanggit.
“Tama ka. Iyon kasi ang sinasabi ko kay Inay. Ayaw ko kasing mag-alala s’ya sa akin, ayaw kong pabalikin n’ya ako roon at hindi na payagang manirahan pa rito.” Kinagat n’ya ang kanyang pang-ibabang labi upang pigilan ang napipintong pag-iyak.
Nilapitan ko s’ya. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya.
“H’wag kang mag-alala, ate Carlota. Hindi ko sasabihin kay Aling Lupe kung ano man ang natuklasan ko.”
“Salamat, Aby.” Dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Hindi na n’ya iyon napigilan pa.
Pasado alas-siyete na nang gabi ng magising ako. Nakatulog pala ako, sanhi siguro ng pagkapagod sa biyahe. Hindi kasi ako sanay magbiyahe ng malayo.
“Ate Carlota?” lumabas ako ng bahay at hinanap ko s’ya. “Ate Carlota?”
“Kapatid ka ni Carlota?” tanong ng isang Ale. Tila kasing-edad ito ni Inay.
Nginitian ko s’ya. “Hindi po. Kaibigan lang po.”
“Ah...” ta-tangu-tango ito.
“Nakita n’yo po ba s’ya?”
“Hindi. Pero malamang, rumaraket na naman ‘yon,”
“Ano pong raket?”
“Hindi mo ba alam kung ano ang trabaho n’ya?”
Umiling ako. Hindi naman nabanggit sa akin ni ate Carlota.
Nagkibit-balikat lang ito. “Pumasok ka na sa loob ng bahay n’yo at baka masumpungan ka ng mga loko rito. Magandang bata ka pa naman, baka mapag-tripan ka.”
Sinunod ko ang sinabi ng Ale. Muli akong pumasok sa loob ng bahay. Naupo ako sa sofa. Doon ko lang napansin ang piraso ng maliit na papel na nakadikit sa screen ng TV. May note si ate Carlota. Sabi n’ya, kumain na lang daw ako dahil baka umaga na s’yang makauwi.
Bigla akong nalungkot. Ang hirap palang mag-isa. Nami-miss ko sila Inay at ang aking mga kapatid. Nanuod na lang ako ng TV. Nang mapagod ako at magsawa ay nahiga na lang ako. Muli kong naisip ang inamin ni ate Carlota kanina. Mukhang tama nga ‘yong sinabi n’ya sa akin noong nasa probinsiya pa kami, na mas mahirap ang buhay rito sa Maynila at hindi biro.

 Naalimpungatan ako. Sinulyapan ko ang aking relo sa kaliwang braso. Alas-dos na ng madaling-araw. Bumangon ako dahil narinig kong may nag-uusap sa labas. Baka dumating na si ate Carlota. Dahan-dahan kong pinihit ‘yong doorknob. Sumilip ako sa maliit na siwang ng pintuan.
“Nag-enjoy ako. Ang galing mo!” tila nang-gi-gigil pa ang lalaki. Nakita kong hinalikan nito sa labi si ate Carlota.
“Me too,” Nakatawang sagot ni ate Carlota. Nakasuot s’ya ng hanging blouse na spagetti strap. Maikli rin ang kanyang palda na tila ba konting galaw lang n’ya ay agad s’yang makikitaan. Nakasuot s’ya ng sapatos na mataas ang takong.
Napalunok ako. Muli kong isinara ang pinto ng dahan-dahan. Hindi mo ba alam kung ano ang trabaho n’ya? Naalala ko ‘yong tanong ng Ale sa akin kanina.
“Gising ka pa?”
Agad kong nilingon si ate Carlota. Ang kapal ng kanyang lipstick at make-up. Ang lalaki rin ng kanyang suot na hikaw. Pilit ang ngiti n’ya sa akin.
“Ngayon, alam mo na...”
“B-Bakit ganyan ‘yong trabaho mo?”
Naupo s’ya sa sofa. “Wala naman akong ibang mapapasukan, Aby. Hindi naman ako nakapag-aral. Lahat na pinasok ko, pero kulang pa rin,”
Naupo ako sa tabi n’ya. “Pero ate, ano na lang ang sasabihin sa’yo ng mga taga sa atin kapag nalaman nila ‘yang totoong trabaho mo?”
“Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao. Hindi nila ako kayang buhayin at ang pamilya ko, kaya kahit hamakin man nila ako, hindi ako titigil sa kung ano man ang ginagawa ko.” Napaiyak s’ya.
Ayaw kong gumaya kay ate Carlota. Hindi ko kaya. Naghanap ako ng mapapasukan. Naging dishwasher ako sa isang canteen. Ilang araw ang lumipas, nalugi ito at nagsara. Naging katulong ako sa isang mayamang pamilya, pinagselosan ako ng amo kong babae kaya pinalayas ako. Nag-apply ako sa iba, pero palagi akong hindi natatanggap dahil Elementary graduate lang daw ako.
“Aby, kakausapin ka raw ng Inay mo,” Iniabot sa akin ni ate Carlota ang kanyang cell phone.
“Hello, Inay?”
“Anak...” sambit nito sabay iyak sa kabilang linya.
“’Nay, bakit?” nag-aalalang tanong ko.
“Ang mga kapatid mo, sina Mikoy at Pikoy... nadisgrasya. Hindi makalakad si Mikoy at si Pikoy naman, pumutok ‘yong ulo. Nahulog sila sa puno ng bayabas.” Patuloy sa pag-iyak si Inay.
“Bakit naman kasi sila umakyat?” hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak.
“Ibebenta nila para pambaon sana,”
“Ano raw ho ang kailangang gawin?”
“Kelangang operahan si Mikoy at si Pikoy naman, kailangan din ng mga gamot. Kailangan ng malaking halaga, Anak.”
Naihilamos ko ang kaliwa kong palad sa aking mukha. Saan ako kukuha ng pera? Ultimo nga piso ay wala ako dahil lahat ng kinikita ko ay pinadadala ko sa amin.
“Sige, Inay. Magpapadala po ako.”
Napahagulhol ako ng i-off  ko na ang cell phone. Pa’no ako makapag-papadala kila Inay? Baon na ako ng utang kay ate Carlota, pang-tuition ng mga kapatid ko, pambayad ng utang namin sa probinsiya at kung saan-saan pa. At isa pa, wala rin s’yang naiipon dahil pinadadala n’ya rin lahat sa kanyang pamilya.
“Anong problema?”
“Kailangan ko ng pera, ate Carlota.”
“Saan ka kukuha?”
“Ipasok mo ako sa pinapasukan mo...”
“Aby, hindi p’wede! Menor-de-edad ka pa. At isa pa, ayaw kong maranasan mo ang mga dinadanas ko.”
“Pero ate Carlota, ako lang ang inaasahan nila Inay. Kelangang maoperahan si Mikoy.”
Nabalisa s’ya.
“Ate, please?” nagmakaawa ako sa kanya.
Napaiyak din s’ya. “ O sige, pero ngayon mo lang ‘to gagawin ha. At mangako ka, na ito ang una at huli.”
Napatango ako. Nanginginig ang aking mga labi. Napahagulhol ako.
Sumapit ang gabi. Inayusan ako ni ate Carlota. Nanginginig s’ya habang ako nama’y panay sa pagluha.
“Sigurado ka bang gagawin mo ‘to?”
Anong buhay ang naghihintay sa akin pag-katapos nito? Nag-aalinlangan akong tumango.


To be continued...