Tuesday, February 4, 2014

A Short Story - Magdalena II

Author’s Note:
Hi. Naisipan kong isulat ang kuwentong ito magmula ng marinig ko ang awiting “Magda” ni Gloc-9 featuring Rico Blanco. Sabi ng officemate ko, pakinggan ko raw ‘yong lyrics ng naturang awitin kasi maganda... then, ito nga, nakabuo ako ng isang kuwento. Sana maibigan n’yo.
Marami ang katulad ni Magdalena sa panahon ngayon. Mga babaeng ginagamit ang katawan or ibinebenta ang sariling laman upang kumita ng pera.
Ang mga tauhan at pangyayari sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko lamang. Kung tumutugma man ito sa inyong personal na buhay, iyon ay hindi ko sinasadya.


*****
Ilang oras ang lumipas. Nasa loob na kami ng isang night club. Madaming lalaki sa loob. Patay sindi ang malamlam na ilaw sa munting entablado kung saan sumasayaw ang isang babae. Ewan ko kung sumasayaw s’ya o gumigiling sa tila poste na nakatayo sa kanyang harapan.
“Hindi ba tayo sumabit d’yan, Lota?” tanong ng isang matandang babae kay ate Carlota. May edad na ito, pero nakaayos ito. Kulot ang buhok. Makapal din ang lipstick at make-up. Maiksi rin ang palda nitong suot katulad ng kay ate Carlota. “Eh, mukhang Nene pa ‘yan,”
“Hindi, tiya Saly. Sagot ko s’ya.” Sagot ni ate Carlota. Hinaplos n’ya ang mahaba kong buhok. Binulungan n’ya ako. “Kaya mo ba?”
“Oo, ate.” Nanginginig ang tinig ko, sanhi ng napipintong pag-iyak.
Ilang sandali pa’y natapos na ang babae sa kanyang palabas. Bumilis ang tibok ng aking dib-dib. Ako na ang sasalang. Naluluha kong sinulyapan sina ate Carlota at tiya Saly. Sumenyas pa sa akin ang huli na hubarin ko na ang suot kong roba.
Sinunod ko iyon. Nanginginig ang aking mga kamay pati ang aking mga paa habang umaakyat ako sa kanilang munting entablado. Nagsimula ng tumugtog ang tila ba nakabibinging tunog. Palakpakan ang mga lalaki.
Tuluyan ko ng nahubad ang suot kong roba. Tumambad sa kanilang paningin ang aking inosenteng katawan. Tanging underwear lamang na pang-itaas at pang-ibaba ang aking suot. Nagsimula na akong gumiling. Sumayaw. Kasabay noon ang pag-agos ng aking luha. Bakit kailangan ko itong maranasan? Nasaan ang aking ama na ngayon sana’y s’ya ang gumagawa ng paraan upang kami’y mabuhay at makaahon sa kahirapan? Napaka-walang puso n’ya!

Tulala ako ng maupo sa aking harapan si ate Carlota. Nasa loob pa rin kami ng club, pero wala na ang mga audience. Kaming dalawa na lang.
Niyakap n’ya ako. Iniabot n’ya sa akin ang perang kinita ko mula sa aking pagpapalabas. Kinita ko sa pagpapahipo sa mga lalaking hindi ko naman kilala. Napaluha s’ya. Ramdam ko ang awang nadarama n’ya para sa akin. Pinahid ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Ayaw ko ng umiyak. Napagod na ako kagabi at tila ba mauubos na ang aking mga luha.
Akala ko, ang araw na iyon ang una at huli kong gagawin ang bagay na iyon, pero nagkamali ako dahil muli akong nagipit, at paulit-ulit akong nagipit. Hanggang sa dumating ang araw na nakasanayan ko ng gawin ang bagay na iyon. Noong una’y sumasayaw lang ako, nakiki-table at nagpapahipo, pero hindi nagtagal, natuto rin akong magpagamit. One night stand ang tawag nila. Isa na akong pok-pok, babaeng kaladkarin at nabibilang na ako sa mga babaeng kung tawagin ay “Magdalena”.
“Bakit si Aby?” galit na tanong ni ate Carlota kay tiya Saly.
“Eh, si Aby ang napili ni Mister X, kasalanan ko ba ‘yon?” pagta-taray nito.
“Sinabi ko naman ho sa inyo na ‘wag na ‘wag n’yong isasali si Aby sa mga pagpipilian n’ya. Alam n’yong bago pa lang at bata pa si Aby. Kilala n’yo naman si Mister X, malupit at sadista s’ya pag-dating sa kama, baka hindi kayanin ni Aby.”
“’Wag ka ng makialam pa, Lota. Malaking bulas naman si Aby kaya kayang-kaya na n’ya ‘yan at isa pa, medyo sanay naman na si Aby, eh.” Giit nito.
Tahimik lang akong nakatayo habang hinihintay kong tawagin ako ng tinutukoy nilang Mister X. Wala na akong pakialam kung ano pa man ang sapitin ko sa mga kamay n’ya. Basta ang alam ko’y kailangan ko ng pera. May sakit si Inay, dulot siguro ng paglalabada n’ya noon.
“Aby, tawag ka na ni Mister X.” Bulong sa akin ng isa ring kagaya ko.
“Okay.” Sagot ko sabay buntong-hininga.
“Aby?” tila gusto akong pigilan ni ate Carlota.
Nginitian ko s’ya. “Okay lang ako, Ate. Sanay na ako, ‘wag kang mag-alala.”
“Gawin mo lang lahat ng gusto n’ya para hindi ka masaktan.” Bakas ang pinaghalong kaba at awa sa kanyang mukha.
Tumango lang ako. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad patungo sa silid kung saan naroroon ang tinatawag nilang Mister X. Dumaloy ang luha sa aking pisngi. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili dahil ramdam ko ang kaba kahit ipagpilitan ko sa sarili kong kaya ko ‘to.
Pinihit ko ang doorknob ng silid. Pumasok ako rito. Hubot-hubad na isang lalaki ang tumambad sa akin. Nakatalikod ito at nakaharap sa bintana. May hawak itong baso na tila alak ang laman.
“Hubarin mo ang lahat ng saplot mo sa katawan at magsuot ka ng piring. Tapos, dumapa ka sa kama.” Nakatalikod pa rin s’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim. Nakita kong may lubid sa ibabaw ng kama, gunting, sigarilyo, posporo. Tuluyan na akong binalot ng kaba at takot, pero sinunod ko pa rin ang utos n’ya.
Hinubad ko ang aking mga kasuotan. Dumapa muna ako sa kama bago ako nagsuot ng piring. Ilang sandali pa’y ramdam ko na ang paglapit n’ya sa likuran ko habang nakadapa pa rin ako. He kissed me on my back. Dinilaan n’ya ang aking likod paakyat sa king batok. He kissed my ears, palitan, sabay bulong, tumihaya ka na.
Sinunod ko s’ya. Dahan-dahan akong tumihaya.
“Shit!” he uttered. Ewan ko kung bakit.
Sandaling namayani ang katahimikan. Hindi ko alam kung anong ginagawa n’ya.
“P-Papatayin mo ba ako? P’wede bang ibigay mo muna kay ate Carlota ‘yong perang ibabayad mo sa akin bago mo ako patayin? Kelangan kasi ‘yon ng mga kapatid ko, kelangan din ‘yon ng Inay ko. M-may sakit kasi s’ya...”
“A-Anong pangalan mo?” tila nanginginig ang tinig n’ya.
Nanatili akong nakapiring habang nakahiga pa rin sa kama. “Abigail Pineda.”
Muli s’yang napamura. Naramdaman ko ang pagbalot ng tila kumot sa aking katawan. Naramdaman kong niyakap n’ya ako. Umiiyak s’ya. Hagulhol.
Dahan-dahan kong inalis ang aking piring. Anong problema n’ya? Bakit sabi nila’y malupit s’ya, pero tila hindi naman?
Tuluyan ko ng natanggal ang piring sa aking mga mata, subalit hindi ko pa rin makita ang mukha n’ya dahil nakayakap s’ya sa akin habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking balikat. Patuloy s’ya sa pag-iyak. Nanatili akong tahimik. Naguguluhan ako sa nagaganap.
“P-Patawarin mo ako, A-Anak...”
Nagimbal ako sa aking narinig.
Anak.
Anak.
Patawarin mo ako, Anak...
Anak? Tinawag n’ya akong anak...
Ubod-lakas ko s’yang itinulak upang makawala s’ya sa pagkakayakap sa akin. At doo’y tumambad sa aking paningin ang kanyang luhaang mukha.
“Itay?” nanlaki ang aking mga mata. Nananaginip ba ako? Totoo ba ‘tong nakikita ko?
Sampung taon na ako ng iwan kami ni Itay kaya tanda ko na ang kanyang mukha.
“Patawarin mo ako, Aby...” lalo s’yang napahagulhol. Bakas ang pagkapahiya sa kanyang mukha. Marahil ay nakilala n’ya ako dahil sa malaki kong balat sa aking dibdib patungo sa aking tiyan. At kahit lumipas ang walong taon, nanatili pa rin ang aking itsura at hindi iyon nagbago kaya agad n’ya akong nakilala.
Napayuko ako. Noo’y nakadamit na s’ya, pero tila hindi ko s’ya kayang tingnan. Nandidiri ako sa kanya. Base sa usapan kanina, marami na s’yang pinagsawaan at pinahirapang babae. Kilalang-kilala s’ya ng mga kasamahan ko. Habang s’yang nagpapakaligaya, kami naman nila Inay ay nagdurusa. At ngayon, sarili n’yang anak ay muntik n’ya pa sanang mabiktima. Dumaloy ang luha sa aking pisngi.
“Anak...” nilapitan n’ya ako.
“Ang kapal ng mukha mong tawagin akong anak!” diretso ko iyong sinabi sa kanya. Bakas ang galit sa aking mga mata. “Ama ba kita, huh? Sa tingin mo ama ba kita? Tingnan mo ako ngayon!” Tumayo ako sa kama at inalis ko ang kumot na ibinalot n’ya sa aking katawan.
Patuloy s’ya sa pag-iyak. Lumantad sa kanyang harapan ang walang saplot kong katawan.
“Tingnan mo ako! At ngayon ay tawagin mo akong anak. Ginagawa ko ito para tulungan si Inay na buhayin ang mga anak mong basta mo na lang iniwan.” Pilit ko s’yang kinonsensiya.
“Patawarin mo ako, Anak.” Ulit n’ya. Muli n’ya akong binalot ng kumot at mahigpit n’ya akong niyakap. “Patawarin n’yo ako. Hindi ko alam na ganito ang sasapitin mo. Pinagsisisihan ko na ang aking mga nagawang pagkukulang sa inyo.”
Napahagulhol din ako. Sobrang sama ng aking loob.

“Ate...”
Masaya kong niyakap ang aking mga kapatid. Pati na rin si Inay. Pagkatapos ng araw na nakita ko si Itay ay itinigil ko na ang pagiging Magdalena. Muli akong umuwi sa aming probinsiya. Hindi ko sinabi kila Inay kung ano ang totoo kong naging buhay sa Maynila. Hindi ko na rin sinabi sa kanila ang tungkol sa muli naming pagtatagpo ni Itay.
Pagkatapos naming mag-iyakan ni Itay ng araw na iyon ay hindi ko na s’ya muli pang nakita. Hindi n’ya nakamit ang aking kapatawaran kahit nagpa-ulit-ulit pa s’ya sa pag-hingi ng tawad sa akin ng araw na iyon. Nagawa n’ya pang lumuhod sa aking harapan, pero nanatiling sirado ang aking puso.
Para sa akin, hindi sapat ang kanyang mga luha upang maibalik pa ang nawala kong dangal.


The End.

No comments:

Post a Comment