Minsan na akong nagmahal at nasaktan kaya nangako ako sa aking sarili na kailan ma’y hindi na ako muling iibig pa…
Subalit, hindi sinasadyang napalapit
sa akin si Martin, boyfriend nang aking kaibigan at kababatang si Jessica.
G’wapo si Martin, mabait, maalalahanin
at malambing. Pero ang pinaka-kinagigiliwan ko sa ugali n’ya ay kanyang
pagiging isip-bata.
Noong una, akala ko natutuwa lang ako
kay Martin, but one day I realized na hindi na iyon simpleng tuwa lang kundi
umiibig na ako sa kanya…
Handa ba akong muling masaktan upang hindi
masira ang pagiging magkaibigan naming dalawa ni Jessica o handa kong isakripisyo
ang aming friendship para masunod ko lang ang hiling ng aking puso?

No comments:
Post a Comment