“Jen, thank you talaga. You’re a true friend
talaga.”
“Luka-luka, ‘wag mo na nga akong bolahin.”
“Hehe...”
End
of conversation.
Nahiga
na ako sa kama pagkatapos kong i-log out ang aking PC. Tapos na akong
makipag-chat sa aking kababata at kaibigang si Jessica. Laking pasasalamat n’ya
no’ng pumayag akong tumuloy sa aking bahay dito sa Manila ang boyfriend n’yang
si Martin.
Tubong
probinsiya ang huli kaya wala itong kakilala rito sa Manila. Kinailangan nitong
lumuwas dito upang maghanap ng trabaho.
“Jen...”
bahagyang kinatok ang pintuan ng aking k’warto nang nakababata kong kapatid na
si Ella.
“Bukas
‘yan.”
Sumilip
s’ya.
“May
g’wapong lalaking naghahanap sa’yo sa labas.”
“Sino?”
“Martin
daw,”
“Papasukin
mo at pag-antayin sa sala. Bababa na ako.”
“Bagong
boyfriend mo?”
“Nope.
Boyfriend ng kababata ko. Si Jessica, remember?”
“Oh,
I see.”
Ilang
sandali pa’y bumaba na ako sa sala.
“Hey!”
kinuha ko ang atensiyon ng lalaki.
Nilingon
n’ya ako.
“Hi
Ma’am...” isang matipid na ngiti ang kanyang pinakawalan. Lumabas ang malalim
na dimple sa kaliwa n’yang pisngi.
Actually,
ngayon ko lang s’ya nakita sa personal. Nakita ko na s’ya before pero sa
picture lang at nakakausap ko rin s’ya paminsan-minsan pero thru chat lang sa
isang social networking site.
“Oh,
hi...”
“’Pag
nakahanap ako ng work, agad din akong aalis dito, Ma’am.” Hindi pa rin naaalis
ang pagkakangiti n’ya.
“’Wag
mo ngang alalahanin ‘yong pagtuloy mo dito. Ikaw talaga. Hindi ka pa nga
tumutuloy, eh, aalis ka na agad.”
Natawa
s’ya. “Thank you, Ma’am.”
“And
please, Jen na lang, okay? Naiilang ako sa tawag mo sa akin, eh.”
Tawa
pa rin s’ya.
“Sorry,
Miss Jen, gumagalang lang.”
Nginitian
ko s’ya.
“Okay.”
“Good
morning, Miss Jen.”
Napangiti
ako ng makita kong maraming nakahain sa mesa. Na late ako nang gising kaya hindi
ako nakapaghanda ng almusal namin.
“Bakit
ikaw ang nag-prepare ng breakfast? Sana kinatok mo na lang ‘yong pintuan ng
k’warto ko. Madali lang naman akong gisingin, eh.”
Bahagyang
hinila ni Martin ang isang silya upang doon ako maupo.
“Okay
lang. Sanay naman akong mag-prepare ng almusal, eh.”
“Thank
you.”
Naupo
s’ya sa tapat ko. Agad n’yang nilagyan ng fried rice ang aking plato.
“Egg
or hotdog?”
Napangiwi
ako. Actually, hindi ako kumakain ng rice kapag umaga. Tila ba hindi ko kasi
malunok-lunok iyon. Gusto ko, mainit na kape lamang at isang pirasong hotdog.
“Anything
wrong?”
“Hindi
kasi ako kumakain ng rice kapag umaga, Martin.” Pilit ang aking ngiti sa kanya.
Ayaw ko namang mapahiya s’ya. Nag-effort pa s’ya for me tapos de-deadmahin ko
lang.
“Oh,
I’m sorry.” Ngumiti rin s’ya sa akin. “Pero, much better kung kakain ka ng
kanin tuwing umaga. Mas magkakaroon ka ng lakas para sa buong maghapon.”
“Sanay
naman na ako sa coffee lang,”
“Mali
po ‘yon. From now on, sanayin mo na ang sarili mong kumain ng rice sa morning,
okay Ma’am?” sabay kindat n’ya sa akin.
“I
told you, Jen na lang. Ayoko ng Ma’am,”
“Okay.
Hindi kita tatawaging Ma’am, pero mangako ka sa akin na kakain ka na ng rice
every moring,”
“What?”
napakunot noo ako.
“Deal
or no deal?” pigil ang kanyang ngiti, pero pilit sumisilay ang biloy n’ya sa
kaliwang pisngi.
“No
deal.”
Nagkibit-balikat
s’ya. “Okay. Ikaw ang bahala, Ma’am Jenilyn Baltazar.”
“Jen
na lang,”
“May
usapan tayo,” nagsimula na s’yang kumain. “Sarap talaga ng fried rice and
hotdog sa umaga. Uhm, yummy.”
Natawa
ako. Loko ‘to, ah. Ininggit pa ako.
“As
if naman, madadala mo ako d’yan sa pang-i-inggit mo,” humigop ako ng kape.
“Hindi
tayo bati,” patuloy s’ya sa pagkain. Hindi s’ya tumitingin sa akin.
“Ano?”
natawa ako.
Natawa
ako dahil sa tinuran n’ya. Tama nga si Jessica. Medyo may pagkaisip-bata nga
itong boyfriend n’ya. Pero in fairness, he is sweet.
“O
sige na po, Sir Martin Evangelista, kakain na po ako.”
Biglang
laki ng pagkakangiti n’ya. Lalo akong natawa.
“Totoo?”
“Yes.
Kasi tingnan mo, sayang naman ‘tong rice rito sa plato ko kung hindi ko
kakainin, ‘diba?” ako naman ang kumindat sa kanya, sabay subo ko nang kanin.
“That’s
good. Lalagyan pa kita,”
“Naku.
Ayoko na, Martin. Tama na ‘to,”
“Sige
na.” Hindi ko na s’ya napigilan pa.
“Kulit
mo.”
No comments:
Post a Comment